DOLE mamimigay ng libreng bisikleta sa mga displaced workers na interesado sa delivery service
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
MAMIMIGAY ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng bisikleta sa buong bansa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho pero nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, nakatakdang ilunsad ang programang ito sa susunod na linggo.
Aabot sa 900 ang inisyal na bilang ng bisikleta nanakatakdang ipamigay ng DOLE sa mga beneficiaries na sasailalim sa training hinggil traffic regulations at financial literacy pati na rin sa occupational safety at health standards.
Sinabi ni Trayvilla na makakatanggap din ang mga beneficiaries ng insulation bag, protective helmet, reflective vst, bike rack, cellphone at load wallet.
Mayroon na rin aniyang partner ang DOLE na mga delivery service providers para sa programang ito.
Ang mga interisado sa programang ito ay maari lamang aniyang mag-apply sa DOLE field offices.
Ang lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Muntinlupa at Manila ang unang makakatanggap ng libreng bisekleta ng DOLE. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
HOUSING FEES SA NAVOTAS, DI MUNA BABAYARAN
NAGPASA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng ordinansa na hindi muna pababayaran ang maintenance fee sa pabahay at renta sa mga pasilidad nito. Sa City Ordinance No. 2020-29, hindi muna magbabayad ang mga residente ng NavotaAs Residences sa Brgy. San Roque at NavotaAs Homes 1 at 2 sa Brgy. Tanza 2 ng P300 buwanang […]
-
Ads March 25, 2022
-
Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon
Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic. Sinabi ni Office […]