Bilang isa sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’: AI-AI, nagpakita ng suporta kay BETONG kaya sobrang na-touch
- Published on June 14, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAKITA ng suporta si Ai-Ai Delas Alas kay Betong Sumaya, na isa sa mga bagong host ng “Eat Bulaga”.
Isa raw kasi ang Kapuso comedian-TV host na mabait at may respeto sa mga katrabahong mas senior sa kanya.
Sa Instragram, nag-post ng mensahe si Ai-Ai tungkol sa kabutihan ng isang tao.
“Kindness is a gift everyone can afford to give,” saad sa naturang quote na may kalakip na caption para kay Betong.
Ayon sa Concert Comedy Queen, tila malungkot si Betong sa Tiktok post nito kaya pinayuhan niya ang kapwa niya komedyante na maging matibay at patuloy na magdasal.
“Mabait kang tao, marespeto sa senior sa ‘yo… isa ka sa mabait na artist na nakilala ko. Dasal lang at tibayan mo ang loob mo. pag nalulungkot ka isipin mo na lang ilang beses ba naten kakantahin ang in New York Rio Tokyo –or any other place you see, you feel that dancing fantasy na hindi tayo nag kakamali sa phrasing,” sey ni Ai-Ai.
Sumagot naman at nagpasalamat si Betong sa mensahe ng suporta mula kay Ai-Ai.
“Sobra naman akong na-touch sa post nyo. Ty po sa encouragement at support nyo. Natawa tuloy ako sa “New York, Rio, Tokyo” natin,” sey ni Betong.
Miss na raw ni Betong ang aktres at hangad niyang makatrabaho itong muli at makanta nila nang maayos at tama ang “New York, Rio, Tokyo.”
***
MASAYANG-MASAYA ang The Clash 2023 grand champion na si Rex Baculfo dahil sa pagpirma niya ng exclusive management contract with Sparkle GMA Artist Center.
Katuparan daw ito ng mga pangarap ni Rex na makapagsimula ulit pagkatapos ng mga naranasan niyang hirap bago siya manalo sa The Clash.
“Elated talaga, sobrang saya, sobrang looking forward for new beginnings po talaga ako. Kasi, first time na may mag-manage sa akin na sobrang laking management ang Sparkle. Kung meron silang ibibigay na project sa akin hindi ko sasayangin talagang gagawin ko ‘yong best ko,” sey ni Rex.
Naikuwento ni Rex na hindi niya natapos ang pag-aaral niya ng dentistry sa Australia dahil sa nangyaring pandemic. Pati raw ang pagtrabaho niya part-time sa isang restaurant doon ay nawala dahil nagsara ito during lockdown. Dahil nauso noon ang livestreaming, bumalik si Rex sa pagkanta na hindi niya pinapaalam sa kanyang mga magulang.
Kaya nang sumali siya sa The Clash, inisip nya na huli na itong pagkakataon na susuwayin nya ang gusto ng kanyang mga magulang.
“Kung walang mangyayari, ito na ‘yung last, The Clash na ‘yung last ko. Susundin ko na ‘yong parents ko after this. Magtatrabaho na ako at babalik ako sa Australia,” sey ni Rex na ngayon ay kakanta ng theme song ng bagong teleserye na pagbibidahan ng BarDa loveteam nila Barbie Forteza at David Licauco.
***
KASAMA si Miss World 2013 Megan Young sa malaking cast ng GMA teleserye na ‘Royal Blood’.
Huling teleserye ni Megan ay ang horror-drama na ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ in 2019. Noong magkaroon ng pandemic, tine-turn down ng actress-beauty queen ang mag-taping lalo na kapag lock-in taping ito na inaabot ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Ngayon at okey na ang lahat, tinanggap ni Megan ang mapasama sa ‘Royal Blood’ dahil kasama rin sa cast ay ang kanyang mister na si Mikael Daez.
“Noong unang in-offer ‘yung show sa amin, kaya namin actually tinanggap kasi we knew we were going to be together, and of course we’re going to work with such a grand cast.
“So the first time that they asked we said yes right away and we’re really excited na makaka-work namin ang isa’t isa ulit after ‘The Stepdaughters’ which we did in 2018 and 2023 na ulit magkasama na kami,” sey ni Megan.
Challenging daw ang role ni Megan bilang Diana dahil mysterious ito at hindi mo alam kung kakampi ba siya o kaaway.
“Ang puwede nilang abangan sa akin o sa karakter ko na si Diana ay kung paano niya itu-twist ang buhay ng iba pang makakasama niya rito sa pamilya niya, kay Napoy (Dingdong Dantes), sa buhay ni Napoy. So mabait ba talaga siya o may hidden agenda, hindi natin alam. Kahit ako hindi ko alam so aabangan ko rin.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
CAYOBIT DEHADO PERO KAKASA RIN SA 36TH PBA DRAFT 2021
BATID ni Christian Cayobit na dehado siya sa mga kapanabayan sa darating na Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa Marso 14. Gayunman, hindi na nawalan ng pag-asa ang tunong Cebu na mang-aawit at basketbolista sa puntirya niyang makapasok sa unang propesyonal na liga sa Asya. Kabilang ang 30 taong […]
-
Bryan, overwhelmed sa special award ng ’The EDDYS’: Movie ni VILMA sa Mentorque, ‘di tiyak kung isasali sa 50th MMFF
MALAKI nga ang posibilidad ng muling paggawa ng pelikula ni Vilma Santos-Recto after ng successful comeback niya sa ‘When I Met You In Tokyo’ na naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival last year, na kung saan nagbigay sa kanya ng back-to-back best actress awards. Isa nga ito sa napag-usapan sa […]
-
VP Leni sa vaccine infomercial kasama si Duterte: ‘Open na open ako’
Iginiit ni Vice President Leni Robredo na handa siyang makipagtulungan kay Pangulong Rodrigo Duterte para mahikayat ang mas maraming Pilipino na tumanggap ng COVID-19 vaccines. Pahayag ito ng pangalawang pangulo, matapos siyang akusahan ng tagapagsalita ni Duterte na tutol umano ito sa mga bakuna ng China. “Open na open ako kung […]