• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng health workers, kinakapos pa rin – PHA

Patuloy na kinakapos ng health workers ang maraming ospital sa malaking bahagi ng ating bansa.

 

 

Ito ang pag-amin ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora, kasunod ng malaking pangangailangan sa mga doktor at nurses, ngayong ikalawang taon na ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Almora, kahit bumaba na ang bilang ng COVID cases, kumpara sa mga nakaraang buwan, may mga kakulangan pa rin sa health workers.

 

 

Ilan aniya sa mga ito ay nagkasakit na, may ibang nangibang bansa, habang ang ilan pa ay umayaw na dahil hindi nababayaran ng tama ng mga naluluging pagamutan at maging ng PhilHealth.

 

 

“This is now causing severe financial distress for private hospitals as well as government hospitals,” wika ni Almora.

 

 

Kaya naman, nagmungkahi ang PHA na panatilihin pa rin ang mga paghihigpit, upang maiwasan ang panibagong paglobo ng mga kaso.

 

 

Kasama na rito ang travel restrictions at malawakang contact tracing.

Other News
  • Ads September 6, 2022

  • NFL Hall of Fame ceremonies kanselado na

    Kinansela na ang Professional Football Hall of Fame 2020 induction dahil sa coronavirus pandemic.   Gaganapin sana ang nasabing ceremony mula Agosto 5-9.   Sinabi ni Hall of Fame CEO David Baker, inalala nila ang kaligtasan ng mga Hall of Famers, fans at volunteers kaya minabuti na nila itong kanselahin.   Dagdag pa nito na […]

  • Pag-angkat ng 150K metric tons ng asukal, kailangan para matugunan ang posibilidad ng kakulangan – PSA

    NAGPALIWANAG ang sugarcane regulatory Administration sa pangangailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.     Kahapon nang opisyal na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-angkat muli ng 150,000 metrikong tonalada ng asukal dahil sa posibilidad ng kakulangan sa mga darating na buwan.     Ayon sa SRA, magkakaroon ng negative ending stock ang bansa […]