• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa, pumalo sa mahigit 2.93-M – PSA

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Sa ulat ni National Statistician and Civil Registrar General at PSA Undersecretary Dennis Mapa sa press conference kaugnay sa May 2022 Labor Force Survey (preliminary) results, pumalo pa sa 6.0% ang unemployment rate sa bansa noong buwan ng Mayo na may katumbas na 2.93 million na mga kababayan natin na walang trabaho.

 

 

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 5.7% na unemployment rate noong buwan ng Abril o nasa 2.76 million na kabuuang bilang naman ng mga indibidwal na walang trabaho.

 

 

Ngunit mas mababa naman ito kung ikukumpara sa 7.7% jobless rate na naitala noong May 2021.

 

 

Paliwanag niya, hindi daw kasi lahat ng nadaragdag sa labor force participation ay tuluyang nakakakuha ng trabaho.

 

 

Samantala, iniulat din ni Usec. Mapa na nagkaroon din naman ng pagtaas sa employment rate sa nasabing buwan na pumalo naman sa 94% na mas mababa kumpara sa 94.3% na employment rate noong April 2022.

Other News
  • Bukod pa sa pagtatambalan nila ni Aga: JULIA, ‘di big deal kung second choice sa movie nila ni ALDEN

    IPINAHAYAG ng Viva Films na tinanggap na ni Julia Barretto ang bago niyang project, ang “A Special Memory,” na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.      Ito iyong movie na dapat ay pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo, pero nag-beg-off si Bea dahil sa busy schedule nito. Maraming humanga kay Julia dahil […]

  • PhilHealth: Membership database ‘di napasok ng ’Medusa’ cyber attack

    TINIYAK  ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang kanilang membership database ay hindi naapektuhan ng naganap na Medusa ransomware attack, na naging sanhi upang mapilitan ang ahensiya na i-shutdown muna ang kanilang online systems.       Sinabi ni PhilHealth president at CEO Emmanuel Ledesma Jr. na hindi nagalaw ng hackers ang kanilang membership […]

  • Kai Sotto hindi na isinama ng Gilas Pilipinas sa kanilang laban sa 2022 FIBA Asia Cup

    HINDI  na isinama ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para sa 2022 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia.     Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Chot Reyes, na makailiang beses na silang nakipag-ugnayan sa kaniyang handler sa East West Private subalit wala silang natatanggap na anumang kasagutan.     Dahil […]