• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba sa 2.76M – PSA

NAKAPAGTALA ang Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang bahagi ng taong ito.

 

 

 

Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagrecover ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.

 

 

 

Sa idinaos na press conference ng naturang kagawaran kaninang umaga ay iniulat ni PSA chief and National Statistician and Civil Registrar General, Usec. Dennis Mapa ang paunang resulta ng kanilang isinagawang Labor Force Survey sa buong bansa nitong nakalipas na buwan ng Abril.

 

Nakasaad sa datos na kaniyang inilahad na bumaba na sa 2.76 million o may katumbas na 5.7% ang bilang ng mga kababayan nating walang trabaho sa kasalukuyan.

 

 

 

Mula yan sa dating 4.14 million o 8.7% at 2.93 million o may katumbas na 6.4% na unemployment rate na naitala naman ng PSA noong April 2021 at January 2022.

 

 

 

Samantala, ipinahayag din ni Mapa na mula sa mga datos na kanilang nakalap ay nakapagtala ang kagawaran ng anim na mga rehiyon sa bansa na mayroong mas mataas na unemployment rate kumpara sa national average na 5.7%.

 

 

 

Ito ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mayroong pinakamataas na unemployment rate na pumalo sa 8.1%, sinundan naman ito ng NCR, Regions 1, Calabarzon, Region 5, at Region 8.

Other News
  • Navotas Greenzone Park Phase 3

    PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Atty. Romando Artes, acting MMDA chairperson ang inagurasyon at pagbabasbas ng bagong bukas na Navotas Greenzone Park Phase 3 na matatagpuan R10, Brgy. North Bay Blvd. North. Ang parke ay isa sa mga Adopt-a-Park projects ng Metro Manila Development Authority (MMDA). (Richard Mesa)

  • PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform

    UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga priority legislations kabilang na ang tax measures at ang reporma sa military pension.     Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang  tax measures sa ilalim […]

  • Irving nagmatigas, hindi pa magpapabakuna

    NAGMATIGAS ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna.     Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury.     Sa […]