Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nabawasan – PSA
- Published on December 10, 2022
- by @peoplesbalita
NAKABALIK na sa pre-pandemic level ang bilang ng walang trabaho sa bansa.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong Oktubre ay umabot na sa 4.5 percent ang bilang ng mga walang trabaho ito na ang pinakamababang level sa loob ng 17 taon.
Mas mababa pa ito ng limang porsyento noong nakaraang Setyembre sa taong ding ito at mas malayong mababa noong Oktubre 2021 na mayroon lamang 7.4 percent.
Sinabi naman ni National Statistician Dennis Mapa na huling nakamit ng bansa ito ay noong Oktubre 2019 na mayroong 4.5 percent ang unemployment rate.
Katumbas ito ng 2.24 milyon na Filipinos ang walang trabaho mula sa dating 2.5 milyon noong Setyembre at 3.5 milyon noong Oktubre 2021.
Tumaas din ang employment rate sa 95.5 percent noong Oktubre mula sa 95 percent noong nakaraang buwan at 92.6 percent noong Oktubre 2021.
Base naman sa National Economic and Development Authority (NEDA) na karamihan sa pagtaas ay naitala mula sa services at industry sectors.
Isa sa nakitang dahilan ng pagtaas ng employment rate sa bansa ay ang tuluyang pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.
-
PDu30, dadalo sa virtual APEC sa Nobyembre
INAASAHANG dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa Nobyembre 12. Ang bansang New Zealand ang magho-host ng nasabing event. “Inaasahang dadalo via video conferencing ang Pangulo sa Asia Pacific Economic Cooperation or APEC sa Nov. 12,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Inaasahan na […]
-
YASSER, binulaga ang mga beki sa kanyang latest sexy pictorial MAY bagong makakalaban na sa pagpapa-sexy at pagiging pantasya ng mga beki sina Derrick Monasterio, David Licauco, Paul Salas at Ruru Madrid
Binulaga ni Yasser Marta ang mga beki sa social media nung i-post nito ang kanyang latest sexy pictorial. Topless si Yasser kaya marami ang nagnasa sa mabalahibo niyang dibdib na abot hanggang sa kanyang abs. Simple lang ang caption ni Yasser na: “Ride with me.” Kaya may kakompetensya na sina Derrick, […]
-
Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA
Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease. Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang […]