• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA

Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.

 

Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang kanilang lakad.

 

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, bawal ding dumalo sa Simbang Gabi ang mga kabataan kahit pa inadjust na ang curfew upang bigyang daan ng mas maagang oras ang pagsasagawa ng Simbang Gabi.

 

Dagdag pa ni Garcia na maaaring magsimula ang Simbang Gabi ng 12:00 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng umaga.

 

Dahil na rin sa coronavirus pandemic, mas paiigtingin pa ang umiiral na health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks para sa mga dadalo ng Simbang Gabi.

Other News
  • NEDA board, nagbigay ng go signal para sa P170.6B NAIA rehab

    INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang P170.6-billion Ninoy Aquino International Airport (NAIA) rehabilitation project. Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang  “solicited proposal to rehabilitate, operate, expand and transfer the NAIA” project  ay isasagawa sa ilalim ng  public-private partnership (PPP) scheme. Ang nasabing proyekto, sa ilalim ng  Department of […]

  • Nazario sampa sa propesyonal

    UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.     Isinama siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach […]

  • No. 19 most wanted person ng NCRPO nalambat ng NPD sa Zambales

    NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 19 most wanted person ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanyang pinagtataguan lugar sa Zambales City, Miyerkules ng gabi.     Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Jonard Manalo, 27, tubong Malabon City […]