• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang pagkilala na Living Legend-Outstanding Filipino: SUSAN, pinagkalooban ng Philippine Postal Corporation ng isang special portrait

PINAGKALOOB ng Philippine Postal Corporation ang isang espesyal na portrait para sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces bilang pagkilala sa kanya na Living Legend-Outstanding Filipino.

 

 

 

Tinanggap ni Senator Grace Poe ang portrait ng kanyang ina mula sa mga opisyal ng PHLPost at nagpasalamat ito sa pagkilala sa kanyang ina na isa sa haligi ng Pelikulang Pilipino ng ilang dekada.

 

 

 

“Maraming salamat sa PHLPost sa pagkilala kay Susan Roces bilang isa sa mga Living Legend Outstanding Filipino. Tunay na ipinagmalaki at ikinagalak niyang matanggap ang parangal na ito,” sey ni Senadora Grace.

 

 

 

Pinost naman ng PHLPost sa kanilang Facebook page ang parangal nila para kay Roces: “The Post Office honored Susan Roces, the Queen of Philippine Movies, as an Outstanding Filipino last February. Her memory will live on, and people will remember her for giving joy and pride to the nation through film and television.”

 

 

 

Kabilang si Roces sa mga napili para sa mga bagong selyo ng outstanding Filipinos na nagsilbing inspirasyon sa kanilang mga larangan.

 

 

Kasama ni Roces sina Nora Aunor, Gloria Romero, Rosa Rosal, at Vilma Santos; ang mga scientist na sina Dr. Ernesto O. Domingo at Dr. Baldomero Olivera; at ang bowler na si Olivia “Bong” Coo at basketball player na si Ramon “El Presidente” Fernandez.

 

 

 

***

 

 

 

EXCITED na mapabilang si Jak Roberto sa pinakabagong sports drama ng GMA, ang Bolera.

 

 

 

Ayon kay Jak, ngayon lamang ulit siya mapapanood sa primetime after ng 2017 GMA series na Meant To Be.

 

 

 

“Noong unang sinabi sa akin na Bolera ‘yung magiging title, akala ko comedy tapos ang character name ko kasi Toypits. Sabi ko sa handler ko, ‘Comedy ba ‘to kuya?’ Tapos sabi niya, ‘Hindi heavy drama.’ Tungkol daw kasi sa billiards. Ngayon na lang ulit magkakaroon ng theme na tungkol sa sports ‘di ba, so exciting.

 

 

 

“Though parang madugo kunan niyan kasi game designing. Pero na-excite ako in a way na kasali ako roon and sa primetime siya ipapalabas. After Meant To Be ngayon na lang ulit ako magpa-primetime. Sobrang excited and happy kasi ako ‘yung isa sa mga cast.”

 

 

 

Sa Bolera, bibigyang buhay ni Jak ang kababata ni Joni na si Pepito “Toypits” Canlas, ang magsisilbing unang manager ni Joni sa pagpasok nito sa mundo ng billiards.

 

 

 

Makakasama ni Jak sa seryeng ito sina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, Al Tantay, at David Remo.

 

 

 

***

 

 

 

WALANG naging ingay ang American Idol sa taong ito, pero may hinirang na silang winner at ito ay ang 20 year-old construction worker from Kentucky na si Noah Thompson.

 

 

 

Naging paboritong contestant si Noah sa auditions pa lang para sa season 20 ng AI. Kaya hindi raw nakakapagtaka na siyang ang makauwi ng title na American Idol at matalo niya sa real-time votes ang mahigpit niyang mga kalaban na sina HunterGirl at Leah Marlene. Nakakuha ng higit sa 16 million votes si Noah.

 

 

 

Ayon pa kay Noah: “As a kid, all I thought about was just playing music, being famous. But where I’m from, you don’t really get much opportunities. My family, they believe in me. The guys I work with believe in me. But I’ve just never believed in myself … I would have never signed myself up for nothing like this. I’ve never had that confidence. It’s pretty cool to know that somebody believes in you more than you believe in yourself.”

 

 

 

Bilang winner, inawit ni Noah ang kanyang single na ‘One Day Tonight’.

 

 

 

Sey ng AI judge na si Katy Perry: “You just swooped in and grabbed every heart in America by singing that song. Do not stop dreaming. There is a plan for you and your life.”

 

 

 

Comment naman ng isang pang AI judge na si Lionel Ritchie: “You have what is now your stage persona. That is called an artist. You have now graduated to that wonderful stage of your life.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Coach ni McGregor tiniyak na wala ng aberya sa laban kay Pacquiao

    TINIYAK ng kilalang mixed martial arts coach John Kavanagh na matutuloy ang harapan ng kaniyang alagang si Conor McGregor at Filipino boxing champion Manny Pacquiao.   Sinabi nito na kontrata na lamang ang kulang dahil nagkaroon na ng inisyal na pag- uusap and dalawang kampo. May mga ilang detalye pang pinaplantsa ang dalawang kampo. Nauna […]

  • Galaw-galaw nang ‘di pumanaw

    PAHAGING lang po sa sports ang kolum ko ngayon mga giliw naming mambabasa.   Maglilimang buwan nap o tayong quarantine o lockdown bilang hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang coronavirus disease 2019 pandemic.   Habang tumatagal gaya ninyo inip na rin po ako sa lockdown.   Pero huwag po tayong maging negatibo. Tayo rin ang […]

  • Limang de-kalibreng pelikula, matindi ang labanan sa Best Picture; SYLVIA, CRISTINE, BELA, COLEEN at CHARLIE, bakbakan sa Best Actress sa ‘4th EDDYS’

    INILABAS na ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang official list of nominees para sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa Marso 22. Virtual itong mapanood sa pamamagitan ng streaming sa iba’t ibang platforms, tulad ng SPEEd Facebook page, sa YouTube channel ng mga miyembro ng SPEEd at […]