• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangangaroling bawal sa Valenzuela

IPINAGBABAWAL muna sa sinumang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling sa Valenzuela City simula Disyembre 1 hanggang Enero 2, 2021, alinsunod sa Ordinace No. 824 Series of 2002.

 

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ito’y bilang bahagi pa rin ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19 habang pinapayagan naman aniya ang pangangaroling na electronic o digital.

 

Itinakda ang administrative penalty na P5,000 sa bawat paglabag o community service.

 

Para sa mga hindi susunod sa administrative penalty ay pagmumultahin ng P5,000 o pagkakakulong ng hindi lalagpas sa 30 araw o pareho depende sa desisyon ng korte.

 

Sa mga lalabag naman na 17 taong gulang pababa, kailangang sumailalim sa Intervention Program ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

 

Kung ang nahuling menor de edad ay hindi susunod sa intervention program, mananagot ang kanyang magulang sa ilalim ng Code of Parental Responsibility. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Tokyo Olympics, magiging ‘safe and secure’ kahit may virus emergency – organizers

    Iginiit ng mga organizers ng Tokyo Olympics na tuloy pa rin ang pagdaraos ng Summer Games kahit na isinailalim ang Japan sa state of emergency dahil sa pandemya.   Una rito, inanunsyo ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na ilalagay sa state of emergency ang greater Tokyo area dahil pa rin sa pagtaas ng mga […]

  • MCCOY, nag-post nang nakaka-touch na mensahe para kina ELISSE at FELIZE

    NAKAKA-TOUCH ang mensahe na pinost ni McCoy de Leon sa Instagram para sa kanyang mag-ina na sina Elisse Joson at Felize.     Panimula ni McCoy, “Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag–asa ng nanay mo. Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa ‘yo, […]

  • Miting ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan, umabot sa 200 -PBBM

    UMABOT sa 200 na pag-uusap ang nangyari sa pagitan ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan sa 5-day official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     “In the morning of the first day, our Department of Trade and Industry Secretary Pascual reported that the business matching event that DTI arranged for 85 Philippine companies […]