• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BILLY, mukhang pinasaringan ni VICE sa ginawang pagtapat at paglipat sa TV5

NAGPASARING ba si Vice Ganda sa dating kasamahan sa It’s Showtime na si Billy Crawford? 

 

 

Sa naganap na online presscon with the “Tawag Ng Tanghalan” hosts, napag-usapan nila Vice at Karylle ang tungkol sa pamilya at sa naging pahayag ni Anne Curtis na she is not leaving It’s Showtime.

 

 

Sey ni Vice: “That is very Anne Curtis, because Anne is the type of person that will never leave her family.”

 

 

Sey naman ni Karylle: “It’s one of those things that goes without saying; I mean mga loyal naman talaga eh makikita mo naman. Lalo na si Anne, she will really verbalize it, pero kahit hindi na sabihin, halatang-halata na naman.

 

 

May umaalis ba dito? Eto na yun. This is our family.”

 

 

Biglang hirit ni Vice: “Oy may umalis Kaye…”

 

Napa-“Ay! Eto na yun!” bigla si Karylle.

 

 

Obvious na si Billy Crawford ang tinutukoy ni Vice na nilisan ang show para maging host ng katapat na noontime show ng It’s Showtime na LOL: Lunch Out Loud sa TV5.

 

 

***

 

 

NAG-TURN 74 last January 31 ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen.

 

 

Nag-post ang kanyang anak na si Ina Feleo ng isang heartfelt message sa Instagram para sa kanyang pinakamamahal na ina at direktor niya sa GMA teleserye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

 

 

“I wish for you to build happy memories together, for they are the greatest treasures one can earn in this life. You said this at our wedding but I want this more than anything, too, with you,” post ni Ina.

 

 

Si Direk Laurice ang naghatid kay Ina sa altar noong kinasal ito kay Giacomo Gervasutti noong December 1, 2020 sa Pinto Art Museum in Antipolo, Rizal.

 

Nabiyuda si Direk Laurice noong pumanaw ang mister nito, ang aktor na si Johnny Delgado, noong November 2009.

 

 

Sa edad na 74, si Laurice ay aktibo pa rin sa pagdirek at pag-arte. Ilan sa mga pelikula dinirek ni Laurice ay Kasal?, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Tanging Yaman, Salome, Kung Ako’y Iiwan Mo, Init Sa Magdamag, Rosenda, Kapag Langit Ang Humatol, Ipagpatawad Mo, American Adobo, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story, Magkano Ang Iyong Dangal?, Una Kang Naging Akin, Sa ‘Yo Lamang at Santa-Santita. 

 

 

***

 

 

GUSTO nang magkaroon ng sariling pamilya niya si Paris Hilton.                    

 

 

Nag-open up ang Hollywood socialite and heiress sa isang podcast na dumadaan siya ngayon sa IVF or In Vitro Fertilization kasama ang boyfriend na si Carter Reum.

 

 

Nabigyan daw siya ng advice regarding IVF mula sa kaibigan niyang si Kim Kardashian at dumaan na siya sa egg extraction.

 

 

“We have been doing the IVF, so I can pick twins if I like. I didn’t even know anything about it. I’m happy that she told me that advice and introduced me to her doctor. So yeah, we have them all ready to go.

 

 

“It was tough, but I knew it would be worth it. I did it a couple of times. Just doing it together and having a partner that is just so supportive and just always makes me feel like a princess all the time… it wasn’t that bad.”

 

 

Bukod sa dream twin babies niya na boy and girl, gusto pa niya ng dalawa pang anak.

 

 

“I really do believe that having a family and having children is the meaning of life. And I haven’t got to experience that, because I didn’t feel like anybody deserved that love from me, and now I finally found the person who does.” (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kahit magkakasabay ang shows at movies: DINGDONG, nakuha pa ring mag-report sa duty bilang reservist

    NGAYONG Biyernes na ang finale episode ng isa sa consistent top-rater sa primetime ng GMA-7, ang “Royal Blood.”       Nakaaaliw lang ang iba na kinukuwestiyon pa ang pagiging top-rater ng serye, e, isa yata ito sa magandang primetime series na nagawa ng GMA-7, huh!     So ‘yun nga, kung totoo raw talaga na […]

  • Perez, Black kikilalanin ng PBA Press Corps

    PAMUMUNUAN nina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Aaron Black ang mga gagawaran sa PBA Press Corps PBAPC) virtual Awards Night 2021 sa Marso 7 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.     Sa pangalawang sunod na taon, tinanghal na Scoring Champion si Perez, 27. Si Black, 30, ang mamumuno sa All-Rookie Team.     Pinag-isa […]

  • PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off

    Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina.   Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang […]