Bilyong pondo sa flood control sa Bicol, fake news ayon sa mambabatas
- Published on October 26, 2024
- by @peoplesbalita
PINABULAANAN ni Rep. Zaldy Co, chairman ng House appropriations committee, ang kumakalat sa social media na may bilyun-bilyong pisong pondo umano para sa flood control projects sa Bicol Region.
Ayon sa mambabatas, wala umanong katotohanan at pawang ‘fake news’ ang naturang balita na napakalaki ng pondo sa flood control sa kanyang lugar.
Sa katunayan, isa aniya sa pinakamaliit ang alokasyon ng Bicol para sa national road at flood control projects.
Ayon kay Co, ang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon at ni Speaker Martin Romualdez ay ang pagsasama o convergence ng flood control sa water management ng National Irrigation Administration para palakasin ang food security.
Diin ni Co, ang bawat proyekto para sa pagbaha ay konektado sa irrigation facilities ng NIA para matugunan ang pangangailangan sa patubig ng mga sakahan. (Vina de Guzman)
-
Pinas, handang makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan – Bersamin
HINDI na paabutin pa ng Pilipinas sa mas mataas na international body ang pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal. Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasabay ng kahandaan ng Pilipinas na makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan. Tinanong kasi si Bersamin sa press briefing sa Malakanyang kung kinokonsidera ng […]
-
Watchdog ‘Kontra Daya’, brainchild ng CPP-NPA-NDF dating kadre
IBINUNYAG ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating kadre ng communist terrorist groups na ang Election watchdog Kontra Daya ay binubuo ng aktibong urban operators at infiltrators ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ang “Kontra Daya group” ay kilala sa hanay ng dating mga rebelde, kadre at organizers ng […]
-
BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASABAT SA CLARK
NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Freeport Zone ang isang babae na biktima ng human trafficking na may pekeng pangalan. Ang biktima ay pansamantalang hindi pinangalanan aklinsunod sa anti-trafficking laws, ay nagmula sa Cotabato ay tinangkang sumakay sa Qatar Airways flight No. QR 931 sa Clark International Airport […]