• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bina-bash pa rin dahil ‘di raw bagay gumanap na ‘Darna’: JANE, aminadong napi-pressure at ‘di ini-expect na papalit sa action-serye ni COCO

AMINADO naman si Jane de Leon na napi-pressure siya dahil ang ‘Darna’ ang pumalit sa time slot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na tumagal ng seven years.

 

Hindi raw niya kasi ini-expect na ang show niya ang mapipiling pumalit sa slot ng teleserye ni Coco Martin.

 

Nakaka-pressure raw sa sinumang artista ang magkaroon ng show. Siyempre nakasalalay sa kanyang mga balikat ang tagumpay ng anumang palabas.
Hindi pa raw sila nagkakausap ni Coco kaya hindi niya alam ang reaction nito na ang ‘Darna’ ang pumalit sa slot nila. Pero malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN sa break na ibinigay sa kanya to play Darna.

 

Kahit na-delay ang lipad ng ‘Darna’ at nawalan pa ng franchise ang ABS-CBN, hindi naman daw siya umiyak pero nanghinayang siya dahil akala niya ay hindi na ito matutuloy. Sayang naman daw ang paghihirap nilang lahat sa production kung ‘di makalilipad si Darna.

 

Kasisimula pa lang ng ‘Darna’ pero ang dami na agad bashers ni Jane na nagsasabing hindi siya bagay na gumanap na Darna.

 

Sa halip na suportahan si Jane, mas pinili pa ng mga bashers na siraan si Jane. Kahit na anong paninira nila kay Jane, wala na silang magagawa dahil naipasa na sa kanya ang bato.

 

Saka sobrang aga pa para husgahan ng mga bashers niya na hindi siya bagay to portray the role of the female superhero. Nasa pilot week pa lang ang ‘Darna’, kayrami nang kumukuda nang hindi maganda.

 

***

 

 

IPINAGDIRIWANG ni Jay Altarejos ang kanyang ika-15 taon bilang director at ipagdiriwang niya ito by screening ang tatlo sa kanyang pelikula sa Mowelfund New Manila ngayong araw na ito simula 12 noon.

 

 

The event is titled ALT-R Heroes – 15 Years of Altarejos Cinema. Ang tatlong pelikula at oras ng screening ay ‘Ang Lalake sa Parola’ (12 nn), ‘Jino to Mari’ (3 pm), ‘Walang Kasarian ang Digmang Bayan’ (5:30 pm) plus glimpses of his latest works namely ‘Finding Daddy Blake’, ‘Pamilya sa Dilim’ and ‘The Longest Night’.

 

 

Magkakaroon ng 30 minute-talk after every screening. To cap the event ay magkakaroon ng special screening ng “Memories of a Love Story’.

 

 

How does it feel celebrating 15 years of Altarejos cinema?

 

 

“I appreciate filmmaking more, how it makes me not only as a better artist but especially a better person and a better Filipino,” wika ni Direk Jay.

 

 

Wala raw siyang paborito sa mga pelikulang nagawa niya.

 

 

“All of them are equal. I fall in love with every film I make now. Mas marami akong natutunan in the process, lalo na ngayon na ako ang nagpoprodyus, sumusulat, nagdidirek at nag-eedit sa mga pelikula ko.”

 

 

 

(RICKY CALDERON)

 

Other News
  • Ads August 27, 2022

  • 2% pa lang ng 109 milyong Pinoys ang bakunado

    Aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 may halos tatlong buwan makaraan ang umpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.     Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega, halos dalawang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populasyon ng bansa ang nakakumpleto na […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 2) Story by Geraldine Monzon

    SA APARTMENT ni Madam Lucia. Ilang mahihinang katok ang nagpalingon sa kanya sa pintuan. Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago binuksan ang pinto. Bumungad ang dalaga niyang apo na si Cecilia.     “Cecilia, paano mo nalamang dito na ako nakatira?”     “Una sa lahat, Cecille, hindi Cecilia. Pangalawa, alam mo namang […]