Binalangkas na IRR ng Anti Terror Law, tapos na – DoJ
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
Nasa tanggapan na ng Department of Justice (DoJ) ang binalangkas na implementing rules and regulation (IRR) ng Anti Terrorism Law na kaagad isailalim sa evaluation.
Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, natanggap niya kahapon ang unang binalangkas na IRR ng RA 11479 o Anti Terrorism Law of 2020.
Ayon sa kalihim, kung kinakailangan pang i-edit ang nasabing IRR ay kaagad nila itong isagawa upang maisumite na kaagad sa Anti-Terrorism Council para sa kanilang pagpapasya.
Umaasa naman ang kalihim na magiging handa na ang nasabing binalangkas na IRR bago pa sumapit ang natakdang deadline nito sa susunod na buwan para sa promulgation.
Matatandaang umabot na sa 32 mga petition ang naihain sa Supreme Court (SC) ng mga kontra o tutol sa pagpapatupad sa bagong pasang batas dahil sa umanoy malalabag nito ang mga karapatang pantao sa bansa. (Ara Romero)
-
Gilas Pilipinas pinayagan ng mag-training sa Laguna
Pinayagan na ang Gilas Pilipinas na magsagawa ng training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na binubuo ito ng mga full-time Gilas Pilipinas players na pinili ng SBP mula 2019 at 2021 PBA Rookie drafts ang kabilang sa training camps. Kinabibilangan ito naina […]
-
PVL magbibigay-daan sa national team
Nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League (PVL) na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng Reinforced Conference upang bigyang-daan ang training camp ng national team para sa Southeast Asian Games. Ito ang inihayag ni PVL president Ricky Palou dahil nais ng liga na makatulong sa paghahanda ng national team sa Vietnam SEA Games na […]
-
Tulak timbog sa P170-K shabu
ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado habang dalawang menor de edad ang narescue sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city. Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Rowel Magbanua alyas Toto, 38, ng V Cruz St. Brgy. Tangos. Ayon kay Col. Balasabas, ala- […]