• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binash dahil nag-react din sa viral statement ni Ella: GISELLE, tinawag na ‘tanga’ ang mga nag-discredit sa People Power experience niya

NAG-REACT din pala ang host/actress na si Giselle Tongi sa viral and controversial statement ni Ella Cruz na “History is like tsismis”.

 

 

Si Ella nga ang gumaganap bilang Irene Marcos sa pelikulang “Maid in Malañanang” ni Darryl Yap para sa Viva Films na ipalalabas this month na kung saan tungkol ito sa last 72 hours ng pamilya Marcos sa Malacanang Palace.

 

 

Sagot ni Ella, “History is like a chismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re alive. At may kanya-kanyang opinion. I respect everyone’s opinion.”

 

 

Hindi nga napigilang mag-comment ni G sa kanyang Twitter account, na kasama ang libu-libong Filipino na dumagsa sa EDSA noong eight years old pa lamang siya.

 

 

Tweet niya, “@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles. I would to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who are part of a history you are dismissing as here say.

 

 

“Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!”

 

 

May nag-react na mga netizens sa komento ni G, kaya may nag-screenshot ng lumang article na mababasang, “Tongi waits in the wings.”

 

 

Makikita na bahagi nito na, “Giselle was born in France to a Swiss father and a Filipino mother. She was raised by her mom in New York and came to live with her in Manila when she was 15.”

 

 

May nagsabing nagsisinungaling ang dating aktres sa naging statement tungkol sa mapayapang 1986 People Power.

 

 

Kaya naman nag-react si G Tongi ng pagkalat ng lumang artikulo na kung saan binash siya ng mga netizens, kaya tinawag niyang mga ‘tanga’.

 

 

Buwelta niya sa mga bashers, “Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcos authoritarian family was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque.

 

 

“Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!”

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Panibagong batch ng 1-M Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

    Nasa Pilipinas na ang karagdagang batch ng one million doses ng Sinovac vaccines na dumating bandang alas-7:36 nitong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.   Lulan ng isang Cebu Pacific flight, sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez gayundin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ilang […]

  • PDu30 kay Bato: It’d be good to have a military man as next president

    INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “last minute” nang ang ruling PDP-Laban na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na patakbuhin bilang presidential candidate sa May 2022 elections.   Ang pag-amin ng Pangulo ay sinabi nito sa kanyang naging pagbisita kay televangelist Apollo Quiboloy sa Davao City, araw ng Biyernes ilang oras matapos na […]

  • Marcos Jr., Sara angat sa year-end survey

    NAKATANGGAP  ng mataas na “approval” at “trust” ratings sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).     Base sa “Boses ng Bayan” survey ng RPMD, na ginawa noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2, 83% ng respondents ay nasiyahan sa pagganap ng trabaho […]