• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata isinelda sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Valenzuela

KULUNGAN ang kinsadlkan ng 29-anyos na lalaki matapos pagbantaan na papatayin ang kanyang kapitbahay habang armdo ng bari sa Valenzuela City.
Kinilala Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Eljin Jamon Belicario, 29, (DOB: April 8, 1993/POB: Valenzuela City), ng Blk. 39 Lot 5, Northville 2, Bignay, Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, pinagmunura at pinagbabantaan ng suspek ang kanyang kapitbahay habang armado ng baril sa labas ng bahay ng biktima sa Block 52, Northville 2.
Sa pangamba sa kanyang buhay, humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Sub-Station 7 ng Valenzuela police na agad rumesponde sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakakumpiska sa dalang isang cal. 22 revolver ng suspek.
Nang walang maipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay pinosasan ng mga pulis ang suspek saka dinala sa himpilan ng pulisya para masampahan ng kasong Grave Threats at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)
Other News
  • Mga lugar na may mataas na ‘quarantine classification’ mas lalo pang hihigpitan ng PNP

    Mas lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagpapatupad ng kanilang seguridad sa lahat ng mga quarantine control points lalo na duon sa mga lugar na may mas mataas na quarantine classification gaya na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).   Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations (TDCO) at JTF Covid […]

  • Ads May 26, 2021

  • Angkas posibleng mag-operate muli

    Ang motorcycle back-riding na Angkas ay papayagan muling mag-operate “in principle” pending health safety guidelines na kanilang dapat gagawin na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang labanan ang paglaganap ng COVID -19.   Sa ilalim ng Resolution No. 47, ang IATF, ay inatasan ang Department of Transportation […]