• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata itinumba ng riding-in-tandem sa Malabon

TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 21-anyos na binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek habang ipinaparada ng maayos ang kanyang motorsiklo sa Malabon City.

 

 

Nakuhanan ng CCTV ang ginawang pamamaril ng suspek sa biktimang si alyas “Julius Kulot” residente ng Bagong Barrio, Caloocan City na namatay kaagad sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

 

 

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nangyari ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon ng Sabado sa harapan ng De La Salle University sa Brgy. Potrero habang inaayos ng biktima ang pagparada ng kanyang motorsiklo sa harapan ng naturang Pamantasan.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si alyas “Rolly” 39, vendor ng mani sa lugar, nakita niya ang pagdating ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo na parehong nakasuot ng itim na jacket at huminto sa tabi ng biktima.

 

 

Bumaba ang naka-angkas na armado ng baril at malapitang pinaputukan ng tatlong beses ang biktima bago mabilis na nagsitakas patungo sa Bagong Barrio sa Caloocan.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakadakip sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Richard Mesa)

Other News
  • Team Philippines sasabak sa 46 sports event sa 2022 Asiad

    Isinumite na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang listahan ng mga sports events na lalahukan ng mga Pinoy athletes sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.     Sasabak ang Team Philippines sa 46 sa kabuuang 61 sports events na inilatag para sa 2022 Asiad na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang […]

  • Ads May 26, 2021

  • Hidilyn Diaz ibinahagi ang mga hamon ilang oras bago ang pagkamit ng Olympic gold medal

    Ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang mga naranasan nito ilang minuto bago ang kaniyang makasaysayang pagkamit ng Olympic gold medal sa weightlifting.     Sinabi nito na isang araw bago ang kumpetisyon ay kumonsolta siya sa kaniyang sports psychologist na si Dr. Karen Trinidad dahil tila nawawala na ito ng kumpiyansa sa kaniyang […]