• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata kulong sa marijuana

KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas.

 

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, alas-9:45 ng gabi, nagsasagawa ng beat patrolling sa Market St. harap ng Rikkos Roasted Chicken, Brgy. Marulas ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 na si PCpl Reynaldo Panao at PCpl Mark Jayson Cantillon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Joebie Astucia nang masita nila ang suspek dahil walang suot na facemask.

 

Nang isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay umiwas at pumalag ang suspek kaya’t inaresto nila ito at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang anim na plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 2 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

 

Kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience) of RPC at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • P5.768 trillion 2024 national budget, pirmado na ni PBBM

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng P5.768-trillion 2024 national budget, araw ng Miyerkules, nanawagan sa mga ahensiya na isagawa ang expenditure program na naaayon sa batas at kilalanin ang mga taxpayers na naging dahilan kung bakit naging posible ang budget para sa susunod na taon.     Sa nasabing event, […]

  • Moratorium sa pagmimina, binawi na ni Duterte

    Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na moratorium sa pagmimina.     Sa inilabas na Executive Order No. 130 ng Malacañang na pirmado ni Pangulong Duterte kahapon, Abril 14, 2021, nakasaad na maaari nang pumasok muli ang pamahalaan sa bagong mineral agreements alinsunod sa Philippine Mining Act of 1995 at iba pang mga […]

  • Walang kalawang si Patong Patong

    MAY ilan ding buwang garahe sa karera ng mga kabayo ang stakes race campaigner na si Patong Patong na nirendahan ni JD Flores.   Pero hindi kinakitaan ng kalawang  ang dalawanang matikas na pamayagpagan ang Philippine Racing Commission o PHILRACOM Rating Based Handicap System 2020 nitong Linggo, Setyembre 6 sa Metro Manila Turn Club sa […]