Binata laglag sa selda sa baril sa Valenzuela
- Published on October 11, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Gen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas Oman, 24, residente ng lungsod.
Base sa ulat ni Marulas Police Sub-Station (SS3) Commander P/Capt. Noelson Garcera kay Col. Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pag-iingat ng suspek ng hindi lisensyadong baril kaya nag-apply sila ng search warrant sa korte.
Nang makakuha sila ng kopya ng search warrant na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court Branch 16 Executive Judge Mateo B Altarejos na may petsang October 4, 2024 para sa paglabag sa RA 10591 ay agad bumuo ng team si Capt. Garcera saka sinalakay ang bahay ng suspek dakong alas-4:00 ng hapon.
Sa bisa ng naturang search warrant, hinalughog ng mga tauhan ni Capt. Garcera ang bahay ng suspek sa Bai Maresas, R. Val St., Marulas at nakuha nila ang isang kalibre .22 revolver na kargado ng isang bala at dalawang basyo ng bala.
Nang walang maipakita ang suspek ng papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay inaresto siya ng mga pulis saka binitbit sa himpilan ng pulisya para sampahan ng kasong paglabag sa Section 28 of R.A. 10591 sa Valenzuela City Prosecutor’s office. (Richard Mesa)
-
DOH: Ligtas ang ginagamit na flu vaccines sa Pilipinas
NILINAW ng Department of Health (DOH) na ligtas ang flu vaccines na ginagamit ngayon sa Pilipinas kasunod ng mga naitalang death cases nito sa South Korea. Batay sa report ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, 59 na ang namatay sa South Korea as of October 26 matapos maturukan ng flu […]
-
Face-to-face classes, napapanahon na — Pangulong Marcos
WALA nang makakapigil sa pagbabalik ng “full face-to-face” classes matapos itong banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Ayon kay Marcos, naniniwala siya na panahon na para bumalik sa mga silid aralan ang mga estudyante. “In the educational sector, I believe it is time […]
-
Clippers nananatiling paborito na manalo laban sa Nuggets
Nananatili pa ring pinipili ng mga basketball experts at bettors na manalo ang Los Angeles Clippers laban Denver Nuggets sa Game 4 nila sa Western Conference Semifinals. Ito ay matapos na hawak ng Clippers ang 2-1 na kalamangan sa serye nila ng Nuggets. Ilan sa mga nakitang maaaring kakulangan ng Nuggets ay ang […]