• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Ligtas ang ginagamit na flu vaccines sa Pilipinas

NILINAW ng Department of Health (DOH) na ligtas ang flu vaccines na ginagamit ngayon sa Pilipinas kasunod ng mga naitalang death cases nito sa South Korea.

 

Batay sa report ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, 59 na ang namatay sa South Korea as of October 26 matapos maturukan ng flu vaccine.

 

“We in the Philippines, we also undertake AEFI (Adverse Events Following Immunization) or regular surveillance with flu vaccine and as of this time there’s no reported AEFI with flu vaccine in the country,” ani Dr. Beverly Ho, DOH Director IV sa isang media forum noong Biyernes.

 

Ayon sa opisyal, sinuri na rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang logs and batches ng flu vaccines na dumating sa bansa, pero wala sa mga ito ang vaccine brands na ginamit sa South Korea.

 

Nauna nang ipinahinto ng Singapore Health Ministry at kanilang Health Sciences Authority ang paggamit ng flu vaccines na SKYCellflu Quadrivalent at VaxigripTetra.

 

“Our flu vaccines are safe and the national immunization program of DOH will continue to push through as planned, and other vaccination activities. We’ll monitor and issue future issues or warning when it will be needed.”

 

Sinabi ng Korea Disease Control and Prevention Agency na karamihan sa mga namatay ang nasa pagitan ng edad 70 hanggang 80-anyos. FLU VACCINE SHORTAGE?

 

Samantala, aminado ang FDA na nagkakaroon ng aberya sa supply ng ilan pang bakuna dahil sa laki ng demand.

 

Ayon kay Usec. Eric Domingo, director general ng FDA, tumaas ang demand sa flu at pneumonia vaccines sa bansa dahil sa takot ng ilan sa COVID-19.

 

“We checked with vaccine suppliers and wala naman silang sinasabi na shortage ng supply.”

 

Kamakailan nang umapela sa DOH si Quezon Gov. Danilo Suarez para tulungan ang probinsyang makapag- angkat ng bagong supply ng flu vaccines.

 

Pero paliwanag ni Domingo, maaaring lumapit sa regional office ng Health department ang lokal na pamahalaan para matulungan silang makabili ng bagong flu vaccine supply.

 

“Siguro kailangan lang nilang magpatulong sa regional office ng DOH. Kasi syempre ang common na binibentahan kasi ng mga suppliers ng vaccines would be governments and hospitals, and of course doctors.”

 

“As of now there’s no reported flu vaccine shortage in the country.”

Other News
  • SUNSHINE, tahimik lang sa balitang lumipat na ng ABS-CBN; unang serye, makakasama sina PAULO at JANINE

    TAHIMIK lang ang actress na si Sunshine Dizon kahit na naglalabasan na ang mga balitang lumipat na siya ng ABS-CBN mula sa pagiging isang Kapuso.     Ang daming nagulat sa totoo lang bilang si Sunshine ang isa sa masasabing Kapuso all through-out her career.     Wala rin statement na inilalabas pa ang kanyang […]

  • Manilenyo ‘all out’ ang suporta kay Isko

    Ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksiyon sa bansa, marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Manila Mayor Isko Moreno.     Tiniyak naman ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakbuhan sa 2020 national and local elections, ay […]

  • Emotional nang makabili ng brand new aircon: JENNICA, na-guilty na tinitiis ng mga anak ang init sa bahay nila

    NAGING maganda para sa Kapuso couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang nakaraang long weekend dahil nag-enjoy sila sa mga activities na matagal na nilang gustong gawin.       Kasama sa mga aktibidades na iyon ay ang nag-hiking sila sa Batad, Ifugao. Sa Instagram ay nag-post si Jeric ng photo nila ni […]