Binata na wanted sa statutory rape, nasilo sa Navotas
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ang 19-anyos na binata na wanted sa kaso ng statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas “Jhayr”, residente ng lungsod at nakatala bilang Top 8 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD).
Sa kanyang report kay NPD OIC Director P/Col. Josefino Liga, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Tangos South.
Agad inatasan ni Col. Cortes ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-7:45 ng gabi sa Bagong Kalsada. Brgy. Tangos South.
Si ‘Jhayr’ ay binitbit ng mga tauhan ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Regional Trial Court Branch 9, Navotas City na may petsang September 30, 2024, para sa kasong statutory rape.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang si Col. Cortes at ang kanyang mga tauhan sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)
-
New ‘Army of Thieves’ Trailer Shows More Heists in the World of ‘Army of the Dead’
NETFLIX released the trailer for their Army of the Dead prequel Army of Thieves. Produced by Zack Snyder and written, directed, and starring Matthias Schweighöfer, the film follows small-town bank teller Dieter who gets invited to join a crew of criminals to heist a sequence of impossible-to-crack safes across Europe. Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=Ith2WetKXlg […]
-
1.69 milyong doses ng Pfizer, Sputnik, Sinovac darating ngayong Abril
Inaasahan ang pagdating ngayong buwan ng nasa 1.695 milyon doses ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa Malacañang. Kabilang sa darating ang inisyal na suplay ng Sputnik V na gawa ng Gamaleya Research Institute ng Russia, Sinovac ng China at Pfizer ng Amerika. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 500,000 doses […]
-
COVID-19 cases sa PNP tumataas
Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel. […]