BINATANG HELPER, TODAS SA DATING KAALITAN
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang 50-anyos na helper nang pagsasaksakin ng dati nitong kaalitan nang nag-krus ang kanilang landas sa isang eskinita sa Tondo, Manila Martes ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Ronnie Alcoriza Y Escurel ng 368 Padre Rada St., Brgy. 26, Tondo, Manila dahil sa tinamong mga saksak sa katawan habang ang suspek ay kinilalang si Gerald Garcia y Dasmariñas , binata, nasa wastong edad ng 931 Int. 3, Asuncion Cor. St. Mary Streets, Brgy. 13, Tondo, Manila na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Sa ulat ni PSMSgt Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-12:40 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente nang nakasalubong ang dalawa sa isang eskinita sa Bartolome St., Brgy 13, Tondo, Manila at walang sabi-sabing pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Nabatid na may matagal nang alitan ang dalawa kaya nang nag-krus ng landas nila ay dito na isinagawa ang paghihiganti ng suspek.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na patalim. (GENE ADSUARA )
-
RABIYA, nambulabog na naman sa pinost na maiksing buhok at may nag-akalang si ‘Liza Soberano’
NAGING usap-usapan nga noong Lunes sa social media ang pinost ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na kung saan nag-selfie na may maiksing buhok na ayon sa netizens ay bumagay naman sa kanya. Ginulat nga ni Rabiya ang kanyang 1.7 million IG followers, marami nga ang biglang naniniwala at napa-wow sa kanyang […]
-
Ads August 31, 2021
-
Paul George nakaranas ng anxiety at depression sa NBA bubble
Ibinunyag ni Los Angeles Clippers star Paul George na dumanas ito ng depression at anxiety habang nasa loob ng NBA bubble. Isinagawa nito ang pahayag matapos talunin ng Clippers ang Dallas Mavericks 154-111 sa Game 5 ng first round ng NBA playoffs. Dagdag pa nito na na-underestimate niya ang kaniyang sarili kaya nakaranas […]