• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binebentang karne nakaabot na sa ibang bansa: WENDELL, tahimik lang pero mukhang makabubuo na sariling business empire

NAKATUTUWA ang actor na si Wendell Ramos dahil tahimik lang, pero mukhang nakabubuo na ng sarili niyang business empire.  
Aba, kailan lang halos sinimulan ni Wendell ang kanyang business na “WenDeli Meat House” pero ang layo na pala ng nararating nito.
Halos pandemic din nang mag-venture rito si Wendell at ngayon, literal na malayo na nga ang nararating ng mga “karne” ng actor.  Aba, hanggang sa U.A.E., Portugal at Japan na rin.  Obviously, mabenta at gusto talaga ng mga tao ang karne ni Wendell.
Nalaman namin ito sa ipinost sa social media niya ng manager ni Wendell na si Perry Lansigan. Proud na proud ito sa kanyang alaga na in all fairness naman ngang talaga, parang lahat sa buhay ni Wendell ngayon ay maayos.
Career-wise, isa pa rin siya sa in-demand na actor at isa rin sa mga bida ng bagong teleserye ng GMA-7, ang “Arabella.”
Buo at masaya rin ang family life at heto ngayon, nagiging isang matagumpay na businessman na rin.
Kaya sa tila bonggang launch ng Wendeli Meat House, sabi ni Perry for Wendell, “Congratulations Wendell! I am so proud of you.
“Magaling. Masipag. Mapagmahal. Continue soaring high! Suportadop ka ng PPL alam mo yan!
“Wendell hindi lang sa Pinas, now sa UAE, Portugal, Japan.  At sa susunod sa buong mundo na.”
(ROSE GARCIA)
Other News
  • ‘Wala munang pahalik ngayong taon’ – Quiapo Church

    Muling nagpaalala ang mga opisyal ng Quiapo Church na papalitan muna ngayong taon ang nakasanayang “pahalik” sa Itim na Nazareno. Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, dahil isa sa pinanggagalingan ng virus ay ang paghawak sa isang bagay ay wala munang pahalik ngayong taon.   Imbes aniya na pahalik ay papalitan […]

  • NBA Cup title inangkin ng Bucks

    MATAPOS ang Los Angeles Lakers noong isang taon ay ang Milwaukee Bucks naman ang nagkampeon sa NBA Cup.       Kumolekta si tournament MVP Giannis Anteto­kounmpo ng triple-double na 26 points, 19 rebounds at 10 assists para akayin ang Bucks sa 97-81 pagrapido sa Oklahoma City Thunder at angkinin ang NBA Cup title.   […]

  • PBBM sa PCSO na may 90 taon na serbisyo: Patuloy na tulungan ang mga nangangailangan

    NANAWAGAN si Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na tupdin ang kanilang mandato na tulungan ang mga ‘vulnerable Filipino’ habang pinuri naman ang nasabing ahensiya ng pamahalaan para sa “remarkable” na siyam na dekadang serbisyo.   Sa pagsasalita sa 90th anniversary celebration ng PCSO sa Manila Hotel, […]