• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wala munang pahalik ngayong taon’ – Quiapo Church

Muling nagpaalala ang mga opisyal ng Quiapo Church na papalitan muna ngayong taon ang nakasanayang “pahalik” sa Itim na Nazareno.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, dahil isa sa pinanggagalingan ng virus ay ang paghawak sa isang bagay ay wala munang pahalik ngayong taon.

 

Imbes aniya na pahalik ay papalitan ito ng pagpupugay at pagtanaw upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa mga deboto.

 

Maaari umanong makita ng mga beboto ang imahe ng Itim na Nazareno na inilagay sa balkonahe ng Quiapo Church.

 

Idinungaw ngayon ang imahe ng Nazareno na ginagamit sa prusisyon kung saan maaaring sumaglit ang mga tao sa simbahan upang iwagayway ang kanilang panyo bilang tanda ng pagpupugay sa Poong Nazareno.

 

Hindi rin papayagan ang mga deboto na ipunas ang kanilang mga panyo sa imahe, na isa sa mga nakasanayan na ring gawin ng mga deboto tuwing pista ng Itim na Nazareno.

 

Bukod dito ay hindi rin hinihikayat ng pari ang mga deboto na magdala ng malalaking replica ng Nazareno dahil sayang ang espasyo.

 

Other News
  • BABAENG TAIWANESE NA WANTED, INARESTO SA PANLOLOKO

    NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Taiwanese na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa panloloko sa kanyang mga kababayan ng mahigit sa US$7 million dollars may dalawang taon na ang nakakaraan.     Sa ibinigay na report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang […]

  • NAVOTEÑO SOLO PARENTS TUMANGGAP NG BUWANANG CASH SUBSIDY

    SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.     Nasa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. Nag-iiba ang halaga […]

  • PAGTUGON SA SAKUNA AT EMERGENCY, PINALAKAS NG VALENZUELA

    LALO pang pinahusay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa lungsod sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito na V-Alert Button.       Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis, na nagbibigay ng access sa isang komprehensibong […]