BIR, maglulunsad ng nationwide crackdown laban sa pagbenenta at paggamit ng pekeng PWD IDs
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG maglunsad ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng national crackdown laban sa pagbebenta at paggamit ng pekeng person with disability (PWD) identification cards (IDs) dahil malinaw ang pagkalugi sa kita ng gobyerno mula sa tax evasion scheme na umaabot na sa halagang P88 billion.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ipinag-utos na niya sa lahat ng opisyal na makipagtulungan sa ibang ahensiya ng pamahalaan para mapigilan ang paggamit ng pekeng PWD IDs.
Tinukoy ang data mula sa kamakailan lamang na pagsisiyasat sa Senado, sinabi ni Lumagui na ang ‘revenue losses’ mula sa paggamit ng pekeng IDs ay umabot na sa P88.2 billion sa taong 2023 lamang.
Sa ilalim ng batas, kabilang sa mga benepisyo ng PWDs ay 20% discount at exemption mula sa value-added tax (VAT) sa ilang kalakal at serbisyo.
Gayunman, sinabi ng BIR na ang mga taong walang konsensiya ang nage-exploit ng nasabing sistema sa pamamagitan ng pagbebenta ng pekeng PWD IDs sa mga mandaraya at desperadong nais na mapabilang sa benepisyo.
“These fake IDs are not only sold on the streets but also through online market places, making them easily accessible,” ayon sa BIR.
“People who sell and use fake PWD IDs are not only committing tax evasion, they are also disrespecting legitimate and compliant PWDs. The discount given by law to PWDs is for the improvement of their well-being and easing of their financial burden,” ang sinabi ni Lumagui.
“It is not some common discount card that is accessible to the general public. Expect the BIR to run after fake PWD ID sellers and users,” aniya pa rin.
Samantala, ipagpapatuloy naman ng BIR ang pagsasagawa ng tax audits sa mga transaksyon na may kaugnayan sa PWDs na ini-report ng mga establisimyento.
“As required under the regulations, establishments must provide records of sales to PWDs, including the name of the PWD, ID number, disability, and the amount of discount and VAT exemption given,” ayon sa ahensiya.
Ibeberipika rin ng BIR kung lehitimo ang IDs na isinumite ng establisimyento.
Ia-assess din ang VAT-exempt sales na iniuugnay sa pekeng IDs na may kaukulangan sa VAT, kabilang na ang multa at interest.
Samantala, nangako naman ang BIR na paiigtingin ang pakikipagtulungan nito sa mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan kabilang na sa Department of Health at National Council on Disability Affairs, para iberipika ang pagiging lehitimo ng PWD IDs. (Daris Jose)
-
Fans And Moviegoers May Get Advance Tickets For Warner Bros.’ “Black Adam”and Marvel Studios’ “Black Panther: Wakanda Forever.”
FANS and moviegoers may get advance tickets now to see Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam” on the BIG SCREEN and be one of the first in the world to see it on Oct 19. About “Black Adam” From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The […]
-
JULIE ANNE, dream come true na makita ang billboard ads sa Times Square; kasama ang ‘Free’ sa EQUAL Playlist ng Spotify
INAMIN ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na dream come true sa kanya na makita ang billboard ads niya sa pamosong Times Square sa New York City. At nangyari na nga ito dahil sa EQUAL Playlist ng Spotify. Pinost niya sa kanyang Instagram ang photos at may caption na, […]
-
VICE, ipinasilip na ang sobrang bongga na bagong bahay
ANG bongga ng bagong bahay ni Vice Ganda! Ipinakita niya ito sa kanyang You Tube account. Hindi pa nakalagay ang lahat ng gamit pero base pa lang sa ilang naipasilip niya, sobrang bongga talaga. Lilipat pa lang si Vice sa bagong bahay dahil suppos- edly, noong March ay tapos na raw sana ito, […]