• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 12th, 2020

TRIKE DRIVERS NA NAWALAN NG TRABAHO, GAGAWING GRAB DRIVERS

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAKIKINABANG sa “Grab -Manila Socio-Economic recovery Initiative” ang may 2,000.tricycle driver na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID19 pandemic.

 

Ito ay matspod na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno’Dimagoso at Grab Philippines ang isang pact na iha hire nila ang may 2,000 tricyxle driver na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

 

Ang nabanggit na hakbang ay para mabawasan ang economic impact sa mga residente ng Maynila na dala ng COVID19 pandemic.

 

Nabatid na ang mga tricycle driver ay maaari silang pumasok sa

Grab food at Grab express services.

 

“This is another day of opportunity delivered by Grab food for the people of Manila. Unti-unti pa lang nating nararamdaman ang epekto ng GCQ. Aside from health, pero also economic,”ayon kay Moreno.

 

“Dalawa ang matutulungan nito: ang mga trabahante at saka yung mga negosyo. Dun naman sa mga natanggap na at matatanggap pa, pagbutihan po ninyo ang trabaho,” dagdag ng alkalde.

 

Sa ilalim ng agreement, ang Manila Public Employment Service Office (PESO) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB),ang tutulong sa may 2,000 driver sa pagkuha ng kakailanganin na dokumento sa kanilang aplikasyon bilang delivery partners ng Grab Philippines. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Wala akong balak maging Presidente – Pacquiao

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ibinida ni eight division world champion Sen. Manny Pacquiao na interesado itong makasagupa si WBO welterweight champion Terence Crawford.

 

Isiniwalat nito na nakausap na niya si Top Rank Big Boss Bob Arum tungkol sa possible nilang salpukan.

 

Subalit, isang bagay lang umano ang humaharang sa laban ng dalawa at ito ay ang problema sa coronavirus matapos sabihin ng Pambansang Kamao na babalik lang siya sa ring kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.

 

“Ikinokonsidera ko lang ang kaligtasan ng lahat lalong-lalo na ang mga manonood,” hirit ng fighting senator.

 

Itinanggi naman ni Pacquiao na tatakbo ito bilang Presidente ng Pilipinas sa halalan sa  2022.

 

Matatandaang ibinulgar ni Arum na sinabi umano sa kanya ni Pacquiao ang kanyang interes sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

 

Pero, nilinaw ni Pacman na hindi nila pinag-uusap ni Arum ang kanyang plano sa pulitika.

ON-LINE TAKING SA MGA BAR PASSER IPAPATUPAD NG SC

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISASAGAWA ng Supreme Court (SC) ang on-line oath taking  sa lahat ng mga nakapasa sa 2019 Bar Examination sa darating na Hunyo 25.

Ito ay matapos na aprubahan ng SC ang isang resolusyon  para gawin on-line ang oath taking ang mga bar passer  para maiwasan ang hawahan ng coronavirus disease (COVID-19).

Nabatid na nakakonekta rin ang online oath-taking sa telebisyon ng pamahalaan para mai-broadcast ito.

Ipinaliwanag ng SC, na ang online oath-taking ay eksklusibo lamang para sa mga 2019 bar passers na mahigit  sa 2,000.

“The Court authorized the Bar Confidant, under the guidance of the 2019 BAR Chairperson, Senior Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe, to perform all necessary acts, under existing rules, regulations, and resources, to carry out the oath taking as contemplated in the resolution,” nakasaad sa resolusyon ng  SC.

Magpapalabas pa umano ng karagdagang detalye ang  Office of the Bar Confidant sa mga susunod  na araw para sa gaganapin na  online oath-taking ng mga bar passer. (GENE ADSUARA)

Ilang mga NBA players posibleng hindi na makasali sa Olympics dahil sa COVID-19 pandemic

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa matiyak ni Golden State Warriors coach Steve Kerr kung mayroong mga NBA players na maglalaro sa Tokyo Olympics.

 

Sinabi ni Kerr na tatayo bilang assistant coach ni Gregg Popovich ng USA Basketball Team, na wala itong idea kung paano ang takbo ng nasabing torneo.

 

Dagdag pa nito na wala pa kasi silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics.

 

Isa ang US sa walong koponan na naka-qualified na sa 12-team men’s tournament sa Tokyo Olympics.

 

Noon kasing 2016 Rio Olympics ay mayroong 46 na NBA players ang sumali mula sa mga bansang kanilang-pinagmulan subalit pinangangambahan ngayon ng marami na baka mabawasan na ito dahil sa pangamba sa coronavirus pandemic.

 

Nauna rito nagpasya ang organizers ng Tokyo Olympics na gawing simple na lamang ang mga laro matapos na ito ay mailipat mula sa Hulyo 2020 ay gagawin na lamang ito sa 2021.

Ads June 12, 2020

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

 

Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.

 

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

 

Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.

 

2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

 

Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.

 

3. Takpan ang iyong ubo at bahing
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

 

Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.

 

4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

 

Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit.

 

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

 

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.

 

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

 

Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.

 

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

 

Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.

NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus.

 

Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics.

 

Kasama ang US sa walong koponan na naka-qualified na sa 12-team men’s tournament sa Tokyo Olympics.

 

Matatandaang noong 2016 Rio Olympics ay mayroong 46 NBA players ang lumahok mula sa mga bansang kanilang-pinagmulan pero ngayon pinangangambahang mababawasan ito dahil sa takot sa coronavirus pandemic.

 

Base sa statement ng Tokyo Olympics, target nilang maging simple na lamang ang mga laro matapos na ito ay mailipat mula sa 2021 mula Hulyo 2020.

MMDA: Modified number coding scheme suspendido pa rin

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng modified number coding scheme sa Metro Manila simula noong Lunes.

 

“The agency deferred its implementation amid the limited capacity of public transportation in Metro Manila, which remains under general community quarantine (GCQ) until June 15,”

 

Ayon kay Pialago, ang number coding scheme ay suspendido hanggang wala pang binibigay na bagong notice ang MMDA.

 

Dagdag pa n Pialago na marami pa rin tayong mga kababayan na nahihirapan sumakay ngayon GCQ kung kaya’t ayaw muna ng MMDA nabigyan ng dagdag isipin ang mga motorista.

 

Inaasahan din ng MMDA na mas marami pa ang babalik sa kanilang mgatrabaho kung kaya’t pinayagan nila na magamit ng mga motorist ang kanilang mga sasakyan ng walang restriction.

 

Ang modified number coding scheme ay pinapayagan ang mga coded vehicles na maglakbay sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kung may sakay itong dalawa o mas higit pa na pasahero.

 

Samantala ang mga pribadong sasakyan naman ay exempted sa traffic policy na ito kung ang mga sakay ay gumagawa ng physical distancing at kung nakasuot sila ng face masks.

 

Ang mga sasakyan naman na ginagamit ng mga medical personnel tulad ng mga doctors, nurses at iba pa ay excused din sa nasabing traffic scheme.

 

“Authorized persons outside residence, as specified in the guidelines of the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases, are also exempted from the modified number coding scheme,” sabi ng MMDA.

 

Simula pa noong March ay suspendido na Ang number coding policy na nagbabawal sa mga sasakyan na tumakbo sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila tuwing weekdays depende sa huling digits ng plate numbers.

 

Ipinahayag din ng MMDA na ang truck ban ay nanatiling suspendido rin upang bigyan ng pagkakataon na magkaroOn ng tuloy tuloy na delivery ng essential goods at raw materials.

 

Samantala,ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbubukas ng karagdagang bagong mga routes para sa mga buses upang mabigyan ng sapat ng transportation ang mga sumasakay. (LASACMAR)

Federer, sa 2021 na magbabalik sa paglalaro ng tennis

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagdesisyon si tennis star Roger Federer na hindi muna maglaro ngayong taon matapos na ito ay sumailalim sa operasyon sa kaniyang kanang tuhod.

 

Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 20-time grand slam champion sa knaiyang operasyon na isinagawa noon pang Pebrero.

 

Sinabi nito na kailangan muna ito ng karagdagang mabilisang arthroscopic procedure sa kaniyang tuhod para ito ay tuluyan ng 100% na makapaglaro.

 

Tiniyak nito sa kaniyang fans na magiging maganda na ang kaniyang pagbabalik sa 2021 season.

 

Noong 2016 kasi ay hindi ito kakagaling lamang niya sa parehas na injury sa tuhod at pagbalik ng 38-anyos na Swiss tennis star ay nanalo agad ito ng dalawang grand slams.

 

Magugunitang kinansela ang lahat ng mga tennis tournament dahil sa coronavirus pandemic at nakatakda itong ibabalik sa buwan ng Hulyo.

 

Bagamat sa hindi nito paglalaro ay napili pa rin ito ng Forbes na highest-paid athletes sa buong mundo na mayroong mahigit $106.3 million na kita sa isang taon at siya lamang ang tanging tennis player na nanguna sa Forbes lists.

BIR NAGBABALA SA MGA ONLINE SELLERS

Posted on: June 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mahigpit na ngayong inatasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga online seller at mga kahalintulad na negosyo na gumagamit ng digital o electronic platform na iparehistro ang kanilang negosyo.

 

Ito ang naging lamang sa inilabas na Revenue Memorandum Circular 60-2020 kung saan para matiyak na sumasang-ayon ang kanilang negosyo sa probisyon na nakasaad sa section 236 o Tax Code.

 

Dapat din aniyang ideklara ang paraan ng kanilang pagbabayad, ginagamit na internet service providers at iba pang mga facilitators.

 

Nagbigay ang nasabing ahensiya ng hanggang Hulyo 31, 2020 na dapat irehistro ng mga online seller ang kanilang negosyo para maiwasan nila ang pagbabayad ng multa.

 

Magugunitang mula ng magpatupad ng community quarantine sa bansa dahil sa coronavirus pandemic ay dumami ang online selling.