• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIR, umapela sa lahat ng taxpayers na magbayad ng 2019 ITR

UMAPELA ang Bureau of Internal Revenue (BIR sa lahat ng taxpayers na maghain at magbayad ng kanillang 2019 Income Tax Returns (ITR) bago ang Abril 15, 2020.

 

Sa economic briefing sa New Executive Building (NEB) ay sinabi ng BIR na ito’y isang friendly reminder sa lahat ng taxpayers para makaiwas sa rush at online traffic sa paghahain ng kanilang tax returns at paghahain ng kanilang income taxes sa Abril 15, 2020.

 

Kaugnay nito ay mabibigyan ng patas na oportunidad ang mga taxpayers na hindi makapagbayad ng penalty sa late filing kung saan idaragdag sa kanilang buwis ang ipapataw na 25% surcharges, 12% interests at compromise penalty (graduated).

 

Ang mga taxpayers ay maaaring bumisita sa BIR website na www.bir.gov.ph at maaaring i-download ang Offline eBIRForms Package Versio 7.6 para sa paghahain ng kanilang Annual Income Tax Returns (AITR).

 

Ang package na ito ay home-base application na nagbibigay ng convenience sa mga taxpayers at tiyakin na tama ang computation ng tax dues.

 

Ang pagbabayad ng tax due ay pinamadali sa pamamagitan ng ePayment channel partners ng BIR gaya ng PayMaya, GCash, LBP LinkBiz ATM/ Debit Cards, DBP Tax Online Credit/ ATM Debit Cards o EFPS para sa eFPS filers.
Ang manual payment naman ay maaaring gawin sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks (AABs) o Revenue Collection Officers (RCOs) kung saan ay walang AABs na matatagpuan sa RDOs kung saan nakarehistro ang isang taxpayer.

 

Samantala, simula sa Marso 29, araw ng Sabado ay may itatayo ng Tax Filing Assistance Center sa lahat ng BIR Revenue District Offices (RDOs) upang tulungan ang lahat ng mga taxpayers sa electronic filing at payment inquiries at concerns. Ang eLounges sa lahat ng RDOs ay available para sa mga online filers.

 

Sa kabilang dako, ang National Training Center na matatagpuan sa BIR National Office, BIR Road, Diliman Quezon City ay bukas mula Marso 28 hanggang Abril 15, 2020 kabilang na ang dalawang magkasunod na Sabado, Marso 28 at abril 4 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para sa mga taxpayers na nakarehistro sa Revenue Region 5-Caloocan City, Revenue Region 6- City of Manila, Revenue Region 7A-Quezon City, Revenue Region 7B-East NCR, Revenue Region 8A- Makati City at Revenue Region 8B-South NCR.

 

Ang Authorized Agent Banks (AABs) banking hours ay extended ng hanggang alas-5 ng hapon para sa Abril 1 hanggang 15, 2020 alinsunod na rin sa Tax Filing Season.

 

Bukas din ito sa magkasunod na Sabado para tanggapin ang tax payments sa lugar na kanilang hurisdiksyon.

Other News
  • Andrew Garfield, Done Addressing Rumors About His Role In ‘Spider-Man: No Way Home’

    ANDREW Garfield is done addressing rumors about his potential role in Spider-Man: No Way Home and that fans will find out the truth for themselves next month.     Jon Watts‘ Spider-Man: No Way Home is perhaps the buzziest and most anticipated MCU project to arrive since 2019’s Avengers: Endgame. Its multiversal adventure, which brings back several actors from previous […]

  • PBA tatapusin ang elims sa Pampanga

    Target ng PBA ma­nagement na tapusin na muna ang eliminasyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga bago ibalik ang mga laro sa NCR.     Inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula sa Setyembre 8 hanggang 30.     Kaya naman posibleng bumalik na sa NCR ang liga sa […]

  • ANGEL, nagpapasalamat sa mga patuloy na nagdarasal sa kapamilya na nagka-COVID-19

    NOONG Linggo, pinost nga ni Angel Locsin na feeling helpless siya dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 ng kanyang 94-year-old father.     Pero hindi lang ang ama na bulag ni Angel ang na-infect sa nakamamatay na virus.     Sa IG stories na dinagsa ng mga dasal ay sinabi ng premyadong aktres na sampu pang […]