• June 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bisa ng driver’s license, pinalawig hanggang Oktubre 31

PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mag-e-expire simula Abril 24.

 

 

Ito ay batay sa ni­lagdaang memorandum circular ni LTO chief Jay Art Tugade na nagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang Ok­tubre 31 ng kasaluku­yang taon o sa sandaling matapos na ang procurement o ang proseso ng pagbili ng license cards na pinangangasiwaan ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

Maliban dito, maitutu­ring na waived o hindi na sisingilin ang multa sa late renewal.

 

 

“All holders of driver’s license cards expiring 24 April 2023 onwards shall no longer be required to renew their licenses until October 31, 2023 or as soon the driver’s license cards become available for distribution to the public,” nakasaad sa memorandum circular.

 

 

Ang hakbang ng LTO ay sa gitna na rin ng nararanasang kakulangan ng suplay ng license cards sa lahat ng tanggapan ng LTO, nationwide.

 

 

Kasabay nito, sinabi ni LTO chief Tugade na umaasa ang ahensya na agad nang matatapos ng DOTr ang proseso ng procurement o pagbili ng license cards upang mapasimulan ang pag-iimprenta at maibigay na sa mga driver na naghihintay ng kanilang plastic card na driver’s license.

 

 

Inaabisuhan naman ang lahat ng law enforcers ng LTO at deputized agents nito na kilalanin ang validity o bisa ng driver’s license na napaso simula sa Abril 24, 2023. (Daris Jose)

Other News
  • Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban

    Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr.     Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 […]

  • TORCH RELAY POSIBLENG IKANSELA VS COVID-19 OUTBREAK

    PAG-IISIPAN umano ni Organizing committee Director General Toshiro Muto ang pansamantalang pagkansela sa 2020 Tokyo Olympics torch relay na nakatakdang gawin sa Marso.   Nagbunsod ang desisyon na ito matapos manawagan ng Japanese government na kung maaari lamang ay kanselahain ang malalaking gatherings, tulad ng sporting at cultural events o ‘di kaya naman ay ilipat […]

  • PBBM, nagpalabas ng EO 34, idinedeklara ang Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino Program bilang flagship program

    NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order (EO) No. 34, idinedeklara ang   Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) bilang  flagship program  ng gobyerno.     Inaatasan din nito ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magpalabas ng inventory ng  angkop na  lupain  para sa programa.     “The 4PH Program is […]