• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wanted sa kasong rape sa Masbate, natimbog sa Malabon

Nasakote ng mga operatiba ng Malabon police ang isang most wanted person sa probinsya ng Masbate dahil sa kasong four counts of rape sa isang follow-up operation sa Malabon City.

 

 

Kinilala ni Malabon polioce chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Geraldo Magbanwa, Jr., 21, factory worker at residente Barangay Ubo, Balod Masbate city.

 

 

Si Magbanwa ay naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Malabon Police Sub Station-5 at Warrant and Subpoena Section dakong 10 ng umaga sa Blk 13 Lot 5 Paros St. Brgy. Longos, ng lungsod sa bisa ng arrest warrant para sa kasong four counts of rape na inisyu ni Masbate City Regional Trial Court (RTC) Judge Ave Zurbito-Alba of Branch 48 Family Court.

 

 

Ayon kina SS5 chief P/Maj. Venchito Cerillo at Warrant and Subpoena Section head P/Capt. Ferdinand Espiritu, si Magbanwa ay listed No. 9 sa top 10 Most Wanted Person sa probinsya ng Masbate.

 

 

Sa panayam, itinanggi ng suspek ang akusasyon sa kanya at sinabi nito na siya at ang biktima na edad 16-anyos nung nangyari umano ang panggagahasa noong 2019 ay magkasintahan.

 

 

Nagpasya umano siyang tumakas mula sa kanilang probinsya at nanirahan sa Brgy. Longos, Malabon matapos magsampa ng reklamo laban sa kanya ang mga magulang ng kanyang girlfriend na tutol umano sa kanilang relasyon sa pamamagitan umano ng pagpuwersa sa kanyang kasintahan na sumailalim sa medical examination. (Richard Mesa)

Other News
  • Sistema ng katarungan sa bansa, gumagana

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagana ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.     Binigyang halimbawa nito ang ginawang pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima matapos ang pitong taon mula nang sampahan ang mambabatas ng kaso.     ”Well maybe this […]

  • PBBM, pinasalamatan ang mga Pinoy sa Singapore

    PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino sa Singapore sa kanilang nag-uumapaw na suporta sa nakalipas na May 9 national elections.    Nakuha ni Pangulong Marcos ang mahigit sa 36,000 boto ng mga Filipino workers sa Singapore o tatlong beses na kalamangan sa kanyang katunggaling si dating Vice President Leni Robredo.   Sa […]

  • Latest survey ng SWS, ikinatuwa ng Malakanyang

    NAKAPAGBIBIGAY ng lakas ng loob sa mga filipino ang resulta ng bagong Social Weather Survey (SWS) na nagpapakita ng pagbaba ng vaccine hesitancy at skepticism o pag-aalinlangan.     Napaulat kasi ang patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19.     Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong […]