• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bise-Alkalde ng Maynila at 21 Konsehal, sinampahan ng kaso sa RTC hinggil sa “secret session”

NAHAHARAP sa kaso sa Regional Trial Court (RTC) ang nasa labimpitong konsehal na miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila laban sa kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer John Marvin “Yul” Servo-Nieto kasama ang nagsisilbing Majority at Minority floor leader gayundin ang iba pang mga kasapi nilang konsehal tungkol sa naganap na “secret session” noong Hulyo 23, 2024.
Sa kanilang isinampang kaso sa RTC Branch 1, Gustong malaman ni  4th District Councilor Joel T. Villanueva kung nagkaroon ng paglabag ang isinagawang sesyon noong Hulyo 23, 2024 kung saan naka-recess ang Konseho sa pamumuno ni  VM Yul Servo, Majority Floor Leader 3rd Dist. Councilor Ernesto “Jong” Isip Jr., Minority Floor Leader 6th Dist. Councilor Salvador Philip Lacuna at labing-siyam pa na konsehal na kaanib sa mayorya .
Ayon kay Villanueva, sa nasabing petsa ay may deklarasyon ang Malacañang at ang Manila City Hall na wala nang pasok bunsod umano ng pananalasa ng bagyong Carina ngunit nagawa pa rin umano ng grupo nila VM Yul Servo na magkaroon ng sesyon ng walang abiso o “notice” sa kanilang grupo.
Aniya, sa naganap na sesyon ay kitang-kita ang kanilang motibo dahil ang una umano nilang tinalakay ay ang “re-organization” o pagtanggal sa mga hawak nilang mga komite.
Giit ni Villanueva, wala na umano silang matakbuhan na tamang forum dahil lagi na lamang umanong nagagamit ang higit na bilang ng mayorya kaya’t minarapat na niumano nila itong dalhin ang nasabing usapin sa korte upang magkaroon na umano sila ng kapanatagan ng loob.
“Kaya kami nagsama-sama ngayon dahil wala na kami matakbuhan, hindi na kami pinakikinggan sa loob ng konseho and they are always using the numbers. Sila raw ang maraming numero kaya parang we are helpless kaya naniniwala kami na sa korte na lamang ito upang maresolba,” ani Villanueva.
“Gusto naming agaran na magkaroon ng TRO na sabihan at itigil muna ang isinasagawang sesyon hanggang sa maresolba kung tama ba o mali ang ginawa nilang sesyon na yun. And we are praying for the nullification ng secret session base sa sinasabi naming iligal ito sapagkat walang due process at wala po notice na natanggap ang aming grupo,” dagdag pa ni Villanueva.
Ang labimpitong konsehal na pinamumunuan ni Councilor Villanueva ay ang mga konsehal na umanib sa dating alkalde ng lungsod ng Maynila at planong muling bumalik at manungkulan muli bilang Mayor ng kabisera ng bansa na si Yorme Isko Moreno Domagoso. GENE ADSUARA
Other News
  • LTO: 101,889 sasakyan maaring marehistro kahit may NCAP violations

    MAKARAANG  mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sapagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP), ang Land Transportation Office (LTO) ay nagpahayag na kanilang papayagang marehistro ang mahigit sa 100,000 na sasakyang may violations sa ilalim ng NCAP.     May kabuuang 101,889 na sasakyan na may traffic violations mula sa tatlong lungsod […]

  • DOLE maglalaan ng P1-B tulong pinansyal para sa mga manggagawang apektado ng COVID restrictions

    NAGLAAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P1 bilyon para sa mga manggagawang apektado ng mas mahigpit na hakbang na ipinatupad, lalo na sa Metro Manila, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.     Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, mamamahagi ng limang libong pisong tulong pinansyal […]

  • Team Philippines sasabak sa 46 sports event sa 2022 Asiad

    Isinumite na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang listahan ng mga sports events na lalahukan ng mga Pinoy athletes sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.     Sasabak ang Team Philippines sa 46 sa kabuuang 61 sports events na inilatag para sa 2022 Asiad na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang […]