• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biyahe ng trains sa MRT 3 mababawasan dahil sa COVID-19

Simula noong  Linggo, July 5  ay mababawasan ang biyahe ng Metro Rail Transit  Line 3 (MRT3)  matapos na mag- positibo ang may 127 na workers ng depot.

 

Mula sa dating average na 16 hanggang 19 trains na tumatakbo, ito ay magiging 12 trains na lamang dahil ang mga workers ay mababawasan dahil sila ay nag-positibo sa COVID-19.

 

Ang mga nasabing workers ay naka-deploy sa North EDSA maintenance works at repairs kung saan sila ay sumailalim sa polymerase chain reaction (PCR) test ang mga ito.

 

“There are 124  employees of the rail line’s maintenance provider Sumitomo Corp.- Mitsubishi Heavy Industries-ES Philippines while the rest are the rail line’s depot workers,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Timothy John Batan.

 

Ayon sa DOTr may 46 na workers ang naka-home quarantine, 74 ay nasa mga isolation facilities ng pamahalaan at ang 7 naman ay nasa pangangalaga ng mga local government units.

 

Unang naitala ang kaso ng COVID-19 noong June 22 kung saan ang mga empleyado ay nakatalaga sa MRT’s quality control section.

 

“We are assuring the public that no station personnel, who usually come in contact with passengers were infected,” ayon naman kay MRT3 operations director Michael Capati.

 

Ayon sa MRT, ang mga MRT 3 trains ay sumasailaim sa disinfection ng dalawang beses sa isang araw kada sang train trip. Ginagawa ito sa North Avenue sa Quezon City at sa pagdating sa Taft Avenue station sa Pasay.

 

Para naman mabawasan ang mga naghihintay na mga pasahero, ang MRT 3 ay maglalagay din ng mga buses upang maisakay ang mga pasahero.

 

Samantala, may 700 na mga empleyado ng MRT 3 ang nag- negative sa ginawang rapid antibody test sa mga ito.

 

Habang patuloy an gginagawang anti-rapid test sa mga empleyado ng MRT 3 ay patuloy din ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalimuha ng mga nag positive na workers sa North Depot.  (LASACMAR)

Other News
  • 2 Christmas Tree pinailawan sa Navotas

    Bilang hudyat na papalapit na ang kapaskuhan, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang taunang pagpapailaw sa kanilang malaking Christmas Tree para ipadama sa mga Navoteño ang diwa ng Pasko.   Sinaksihan nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang isinagawang Virtual Lighting ng Navotas Christmas Tree na matatagpuan sa harapan […]

  • Abot-abot ang pamba-bash na inabot: PAOLO, BUBOY at BETONG, nanguna sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’

    ABOT-ABOT ang pamba-bash na inaabot ng mga bagong host ng Eat Bulaga.  Nagsimula na ngang mapanood ng live ang Eat Bulaga na ang mga host na ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Legaspi Twins na sina Mavy at Cassy, Betong Sumaya at ang balitang girlfriend ni Sandro Marcos na si Alexa Miro. Expected naman na […]

  • Mayor ISKO, walang sagot sa mga paninira sa kanya ni President DUTERTE kahit obvious na siya ang pinatatamaan

    WALANG sagot si Manila Mayor Isko Moreno sa paninira sa kanya ni Presidente Rodrigo Duterte.     Kahit na hindi pinangalanan, obvious naman si Mayor Isko pinatatamaan ng occupant ng Malacanang na tinanggalan niya ng power na mag-distribute ng ayuda. Instead ay ipinasa niya sa DILG at DSWD ang function na ito.     Disorganized […]