Biyaheng SoKor, pwede na ulit
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang mga Filipino na bumiyahe patungong South Korea maliban sa buong North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, kung saan ang virus outbreak ay concentrated.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ito ang napagdesisyunan sa isinagawang 9th IATF Meeting kasama ang Department of Health – Central Office kung saan ay tinalakay ang kalagayan ng sitwasyon ng (COVID-19).
Ang lahat ng mga Pinoy na naghahangad na bumisita sa ibang bahagi ng South Korea ay kailangang gumawa at lumagda ng isang deklarasyon na nagpapahiwatig na batid at naiintindihan nila ang panganib na kaakibat ng kanilang pagbyahe.
Isang health advisory pamphlet ang bitbit ng mga ito sa kanilang pag-alis ng bansa.
Sa kabilang dako, ang pag-ban o pagbabawal na magpa-pasok ng mga foreign nationals na bumiyahe mula North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, sa teritoryo ng Pilipinas ay nananatiling epektibo.
“Guided by the Health Security Risk Assessment Matrix, which evaluates the hazard, exposure and context relative to the risks involved, the IATF has also agreed that there are to be no new imposition of travel restrictions or lifting of the same as regards other countries or jurisdictions. The IATF assures that the review concerning travel restrictions and protocols to and from the Philippines shall be regularly conducted by it,” ang paliwanag ni Sec. Panelo.
Samantala, naghahanda naman ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation ng 148 Filipino mula Macau via chartered flight, habang inaayos naman ng Overseas Workers Welfare Administration ang pag-repatriate ng 48 na aktibong miyembro sa pamamagitan ng isang commercial flight.
Ang IATF ay kinabibilangan ng mga miyembro ng ahensiya ng pamahalaan, at nananatiling “on top of the situation” kontra COVID-19 at ang Office of the President (OP) naman ay kinikilala ang konkretong pagsisikap sa pakikipaglaban sa nasabing virus habang nilalayon ng pamahalaan na protektahan ang kaligtasan at kalusugan ng lahat ng mga mamamayang Filipino. (Daris Jose)
-
Sa pagpirma ng 9-picture sa Viva Films: ANNE, pangarap na makatrabaho ni Direk PHIL sa isang horror film
PUMIRMA ng 9-picture sa Viva si Phil Giordano, ang director ng Vivamax movie na “Pabuya” na pinagbibidahan ni Diego Loyzaga. Sa isang chikahan over lunch with Direk Phil, nalaman namin na bata pa lang siya ay gusto na niyang maging director. Dahil he’s an only child, inaaliw niya ang kanyang sarili by writing out stories […]
-
Pinoy karate athlete James De los Santos muling nagwagi
MULI na namang nakapagbulsa ng gintong medalya si Filipino karate James De los Santos. Nakuha niya ang ika-17th gold medal niya sa Katana Inter Con- tinental Karate League e-Tournament. Sa nasabing torneo ay nagtala ito ng 26.1 points unang pagkakataon. Nahigitan ng 30-anyos ang pambato ng Costa Rica na si Juan Achio […]
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH AYUDA SA BARANGAY HEALTH WORKERS
Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong cash na nagkakahalaga ng P1.04 milyon sa mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT). Nasa 208 barangay health workers, na nagbigay ng kanilang serbisyo ng hindi bababa sa tatlong buwan ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa bisa ng City Ordinance No. 2020-40. “Mula noong […]