NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH AYUDA SA BARANGAY HEALTH WORKERS
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong cash na nagkakahalaga ng P1.04 milyon sa mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).
Nasa 208 barangay health workers, na nagbigay ng kanilang serbisyo ng hindi bababa sa tatlong buwan ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa bisa ng City Ordinance No. 2020-40.
“Mula noong unang araw ng pandemya, ang aming mga barangay health workers na ipinagsapalaran ang kanilang buhay upang mapanatili tayong malusog at ligtas. Napakahalaga sa paglaban natin sa COVID-19,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Ang cash assistance na kahit kaunti kumpara sa kanilang mga sakripisyo, ay aming paraan ng pagkilala at pagbibigay ng gantimpala sa kanilang matatag na serbisyo. Inaasahan din naming gagawing mas maganda ang kanilang Pasko,” dagdag niya.
Nauna rito, ang Navotas ay nagsimula na din mamahagi ng Christmas hams sa lahat ng mga residente.
Sa 89,650 target family-beneficiaries, 22,738 na ang nakatanggap ng kanilang “Pamaskong Handog” mula sa pamahalaang lungsod hanggang December 18. (Richard Mesa)
-
Online shopping scams, maaari ng report sa pamamagitan ng eGov App -DICT
MAAARI ng i-report ang online shopping scams sa pamamagitan ng eReport feature ng eGov Super App sa gitna ng holiday season. Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary David Almirol na “The newest feature is e-commerce reporting for the Department of Trade and Industry’s consumer protection. The DTI Consumer Protection […]
-
IBA-IBANG PASILIDAD PINASINAYAAN SA NAVOTAS
PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang iba’t-ibang pasilidad kasabay ng selebrasyon ng ika-14th cityhood anniversary nito. Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco, Regional Director of the World Scout Bureau Asia Pacific Region Jose Rizal Pangilinan, Director of Bureau of Plant Industry George Culaste, at Good Greens President Simon Villalon, ang blessing at inauguration […]
-
Kaya patuloy na mapapanood sa mga sinehan: ‘Balota’ ni MARIAN, top grosser sa opening week sa big screen
HINDI nakalimutang alalahanin ni Andi Eigenmann ang yumaong inang si Ms. Jaclyn Jose nung kaarawan nito last October 21. Sixty-one years old na sana si Jaclyn kung nabubuhay pa ito. Pumanaw ang award-winning actress noong March 2, 2024 dahil myocardial infarction or heart attack. Nag-post si Andi ng throwback photo nila ni Jaclyn […]