• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIYUDA NI KOBE BRYANT, DUROG ANG PUSO

NADUDUROG ngayon ang puso ng biyuda ni NBA legend Kobe Bryant na si Vanessa matapos malaman ang report na may mga deputy na nagpapakalat ng mga larawan sa pinangyarihan ng helicopter crash kung saan nasawi ang kanyang mister at 13-year old nilang anak na si Gianna, at pitong iba pa.

 

Pahayag ito ng abugado ni Vanessa Bryant na si Gary Robb makaraang lumutang ang mga report na ibinahagi ng mga deputies mula sa Los Angeles County sheriff at fire departments ang mga litrato ng aksidente kung saan makikita ang mga katawan ng biktima.

 

Ayon kay Robb, personal na nagtungo sa tanggapan ng sheriff si Vanessa noong mismong araw ng trahedya para ideklarang no-fly zone ang pinagbagsakan ng helicoper, at hiniling na maprotektahan ito mula sa mga photographer upang mapangalagaan daw ang dignidad ng lahat ng mga biktima at ng kanilang mga naulilang pamilya.

 

Nilarawan pa ni Robb na ang pagbabahagi ng larawan ay karumal-dumal na paglabag sa human decency, respect, at privacy rights ng biktima at pamilya nito.

 

“First responders should be trustworthy. It is inexcusable and deplorable that some deputies from the Lost Hills Sheriff’s substation, other surrounding substations and LAFD would allegedly breach their duty. This is an unspeakable violation of human decency, respect, and of the privacy rights of the victims and their families,” pahayag ni Robb. “We are demanding that those responsible for these alleged actions face the harshest possible discipline, and that their identities be brought to light, to ensure that the photos are not further disseminated. We are requesting an Internal Affairs investigation of these alleged incidents.”

 

Sa naunang pahayag, sinabi ng sheriff’s department na kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang pangyayari.

 

Bukod ito, inutos din umano sa kanilang mga deputy na burahin lahat ng larawan sa crash scene matapos magreklamo ang isang residente sa Norwalk, Califonnia na isang deputy ang nagpapakita nito sa isang bar.

 

“The Sheriff is deeply disturbed at the thought deputies could allegedly engage in such an insensitive act,” saad nito. (AP/ CNN)

Other News
  • Ads September 25, 2021

  • Pinas, nagdarasal para sa paggaling ni Pope Francis- PBBM

    NAKIISA ang Pilipinas at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa natitirang bahagi ng mundo sa pagdarasal para sa paggaling at malakas na pangangatawan ni Pope Francis.     Nagpahayag ng kalungkutan si Pangulong Marcos sa kondisyon ni Pope Francis, na patuloy na nakikipaglaban sa pneumonia sa pareho nitong baga. ”Nakakalungkot na marinig ang malubhang karamdaman ni […]

  • MMDA nilunsad ang P300 M na command center

    NAGKAROON ng inagurasyon noong nakaraang linggo ang pinakabago at epektibong command at communications center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bansa na siyang magiging “nerve center” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.       Nagkakahalaga ng P300 million ang nasabing command center ng MMDA ayon kay MMDA chairman Don Artes.     […]