Blended learning, patuloy na gagamitin sa PH para sa susunod na school year – DepEd
- Published on June 2, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY pa ring gagamitin ng Department of Education (DepEd) ang blended learning sa bansa para sa susunod na school year.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones na hindi parin aalisin ang blended learning sa kabila ng paghihikayat sa lahat ng public at private schools na magsagawa na ng in-person classes para sa school year 2022-2023.
Paliwanag ni Briones na mahalaga ang ambag ng blended learning lalo na sa teknolohiya, komunikasyon at sa digitalization sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Bagama’t iginiit din ni Briones na mahalaga ang face to face classes para sa social development ng mga mag-aaral at kailangan din ng direct guidance mula sa mga guro.
Maalala noong Lunes, May 30, hinimok ni Briones ang lahat ng paaralan sa bansa para magsagawa ng in-person classes para sa SY 2022 -2023 subalit nilinaw ni DepED Undersecretary Diosdado San Antonio target pa rin ng kagawaran na ipatupad ang blended set up kung saan ang paraan ng pagtuturo ay isasagawa sa pamamgitan ng electronic at online media platform gayundin sa pamamagitan ng face to face learning. (Daris Jose)
-
LIBRENG MASS TESTING PINAPAOBLIGA SA SC
PINAPAOBLIGA ng 11 indibidwal sa Supreme Court (SC) ang gobyerno na magpatupad ng libreng mass testing sa COVID19. Sa pamamagitan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), hiniling ng mga petisyuner na palakasin ang contact tracing ,mabilisang pag contain ng virus at i-improve ang laboratory testing capacity. “The omission of proactive and efficient mass testing […]
-
Mabibilang sa mga daliri ang na-stranded: Transport strike ng Manibela at Piston, nilangaw?
NILANGAW ang transport strike na ginawa at pinangunahan ng transport group na Manibela at Piston. Sinimulan kasi ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23 ang transport strike na ikinasa ng grupong MANIBELA at PISTON. Tatagal ang transport strike, araw ng Martes, Setyembre 24. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime […]
-
Fajardo alalay lang sa pagbabalik-PBA
HINAY-HINAY lang muna ang kilos sa kanyang pagbabalik ni June Mar Fajardo sa 46th PBA Philippine Cup 2021 na magbubukas sa Abril 9 dahil sa minor operation sa infection ng fractured tibia kamakailan. Ito ang ibinunyag nitong isang araw lang ng matagal ng mentor ng six-time PBA MVP na si Atty. Baldomero Estenzo. […]