Bodega ng Comelec binuksan sa publiko
- Published on March 25, 2022
- by @peoplesbalita
BINUKASAN na sa publiko ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna at ang National Printing Office (NPO) bilang tanda ng pagnanais na maging malinaw sa taumbayan ang kanilang mga paghahanda sa halalan sa Mayo 9.
Sa Sta. Rosa Comelec warehouse sa Laguna isinasagawa ang pagsasaayos ng mga SD (Secure Digital Memory Card) cards na gagamitin sa mga vote counting machines habang sa NPO naman inililimbag ang mga balota.
“We already opened for public viewing the Sta. Rosa Comelec warehouse in Laguna where the SD cards are being configured and National Printing Office where the official ballots are being printed to different stakeholders including but not limited to political parties and the media,” ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.
Aniya, nakataya sila sa pagiging tapat at malinaw ng mga proseso sa halalan sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
Ito ang dahilan kaya pagkatapos niyang umupo ay pinayagan agad niya ang mga tagamasid sa ‘livestreaming’ sa kanilang mga aktibidad ng hindi nako-kompromiso ang seguridad ng mga dokumento at maging ang sistema ng Comelec.
Ngayong Huwebes, magtutungo muli sina Pangarungan at ibang opisyal sa NPO sa Quezon City at sa kanilang bodega sa Pasig City kasama ang mga stakeholders para sa ‘random sampling’ at inspeksyon ng mga naimprentang opisyal na balota.
-
ASEAN ‘looking forward’ nang makipagtrabaho sa Biden administration
Handa nang makipag-trabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa administrasyon ng bagong upo na si US President Joe Biden. Sa isang press release, sinabi ng chairman ng ASEAN Foreign Ministers’ Retreat, na umaasa silang mapapalakas sa ilalim ng bagong administrasyon ang ugnayan ng kanilang hanay at Estados Unidos. “In […]
-
Dahil first time na sumakay ng motor: JILLIAN, iningatan at inalalayan nang husto ni RURU
MAY exciting na crossover ang character ni Jillian Ward na si Doc Analyn Santos ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ sa Kapuso actionserye na Black Rider. For the first time daw ay sasakay ng motorsiklo si Jillian. “Nakakakaba po kasi ngayon lang ako sumakay ng motor pero siyempre andito naman po ang ating napakagaling […]
-
Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-118th Navotas Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas sa bawat pamilyang Navoteños sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)