• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bolick, Fernandez mayroong iringan

HINDI naging maayos ang samahan nina Evan Nelle at San Beda University men’s basketball coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III

 

Taliwas ito kay ex-Red Lion at ngayo’y Philippine Basketball Association (PBA)  star Robert Lee Bolick Jr. at sa Beda bench tactician din.

 

Siniwalat nang kasalukuyang naglalaro na sa Terrafirma Dyip, na naging mabuti ang samahan nila ng 49-anyos na ex-pro mentor maski minsan ay may hindi rin sila pagkakaunawaan.

 

“Coach Boyet is one of the hardest working coaches na I’ve been around with,” pag-amin ni Bolick kamakalawa.

 

“Nag-aaway rin kami ni Coach Boyet pero ang maganda sa amin, we know na it’s part of the game,”

 

Dugtong ng 25 taong-gulang, may taas na 6-1 combo guard nakatatlong kampeonato sa Beda sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball.

 

Dinidiin ni Fernandez si Nelle sa pagtaob ng Mendiola-based squad sa 95th NCAA Finals Game 3Three kontra Letran Knights.

Siniwalat ni Nelle na sinungitan siya ni Fernandez na dinahilan niya upang iwanan ang Lions at tumawid sa La Sa Lalle Green Archers ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). (REC)

Other News
  • National Post Office itayo muli, P13 bilyong contingent fund gamitin

    “HISTORIAL landmark must rise from the ashes!”     Ito ang binigyang diin ni House Deputy Speaker at 1st District Batangas Rep. Ralph Recto na ikinalungkot ang pagkaabo ng National Post Office Building matapos itong matupok ng apoy sa sunog sa lungsod ng Maynila nitong Lunes.     Sinabi ni Recto na kailangang pabilisin at […]

  • Mahigit 73 million Filipino, fully vaccinated na kontra COVID-19 – DOH

    NASA  mahigit 73 million Pilipino na ang fully-vaccinated kontra Covid-19 ayon sa Department of Health (DOH).     Sa datos noong Enero 8, 2023, nasa 6.9 million senior citizens ang bakunado na, 10 million sa mga kabataan at 5.4 million naman sa mga bata na edad 5 hanggang 11 anyos.     Iniulat din ng […]

  • Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy

    Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.     Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila.     Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]