• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bolick, Ravena bibida sa 21-man Gilas pool

PINANGUNAHAN nina Philippine Basketball Association (PBA) veteran Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort at Japan B. League star Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng San-En ang 21-man Gilas Pilipinas training team na huhugutan ng 12-man Gilas Pilipinas na didribol para sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa Pebrero 24-28.

 

 

Ito ang isiniwalat Martes ng gabi ng FIBA sa pool na buhat sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tatayong punong abala ng apat na araw na okasyon sa parating na Pebrero 24-28.

 

 

Bukod sa dalawang stalwart cager, swak din sa listahan ang mga taga-TNT ng PBA rin na sina Jayson William Castro, Kelly Williams, Jeth Troy Rosario, John Paul ‘Poy’ Erram, Ryan Jay Reyes, Jay-jay Alejandro, Gabriel ‘Gab’ Banal, Carl Bryan Cruz, Matthew Allen ‘Matt’ Rosser, Kib Montalbo, Brian Heruela at Glenn Khobuntin.

 

 

Ang iba pa ay kinabibilangan nina Kakou Ange Franck Williams ‘Angelo’ Kouame, JBL campaigners Dwight Ramos ng Toyama Grouses at Juan Gomez de Liano, Will Navarro, Lebron Lopez, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab.

 

 

Unang makakabangga ng Pinoy quintet and South Korea sa Peb. 24, India sa Peb. 25, New Zealand sa Peb. 27, at mga Koreano uli sa Peb. 28. (CDC)

Other News
  • PBBM, hindi nagpahuli: Kuwentong kababalaghan sa Palasyo ng Malakanyang, inalala si Father Brown, gumagalaw na mga upuan

    HINDI nagpahuli si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na ibahagi ang mga  Halloween  ghost stories na naranasan at nangyayari sa Palasyo ng Malakanyang.  Sa Facebook video, inalala ng Pangulo ang pangyayari noong siya ay bata pa at ang kanyang ama ang Pangulo ng Pilipinas noong panahon na iyon. Aniya, nasa isa siya sa guest rooms malapit […]

  • P10K ayuda ng DSWD sa 160 indigent patient sa NKTI

    PINAGKALOOBAN  ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD)  ng tig-P10,000 pinansiyal na tulong ang nasa 160  indigent patient na kasalukuyang nagpapagamot sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa East Avenue Quezon City.     Mismong sina Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. at DSWD Secretary  Rex Gatchalian ang personal na nag-abot ng P10,000 bilang bahagi ng […]

  • Baka raw mawala ang ’sumpa’ pag um-atttend: AIKO, inimbita na si ROSANNA sa nalalapit niyang kasal

    NAGTAGUMPAY ang Kapuso aktres at komedyana na si Pokwang sa kagustuhan niyang mapaalis ng bansa ang dating asawang si Lee O’ Brian.   Sa bisa ng reklamo ni Pokwang na illegal na pagtatrabaho ng dating asawa sa Pilipinas ay ipina-deport na si Lee ng mga tauhan ng Bureau of Immigrations last Monday April 8.   […]