• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go: 2023 calamity funds dagdagan

SUPORTADO  ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang dagdagan ang national calamity fund para sa taong 2023 dahil sa mga nagdaang kalamidad na tumama sa bansa.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Go na wala siyang tutol na dagdagan ang calamity funds sa pagsasabing tungkulin ng gobyerno na agad tulungan ang mga naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad upang agad silang makabangon.

 

 

“Susuportahan ko ang pagdagdag sa calamity funds for 2023. Wala akong pagtutol dyan dahil tungkulin natin na matulungan kaagad ang mga tinamaan ng iba’t ibang kalamidad para sila ay makabangon kaagad muli,” sabi ni Go.

 

 

Iginiit ng senador, gayunpaman, ang pa­ngangailangang tiyaking magagamit kaagad at naaangkop ang cala­mity fund. Idinagdag niya na ang mga pondong pang-emergency ay mas epektibong magagamit kung mayroong isang departamento na nakatuon sa pamamahala ng mga programa pagdating sa mga pagsisikap sa pagtulong, pagbangon at rehabilitasyon.

 

 

Muling iginiit ni Go ang kanyang panawagan para sa pagpasa ng Senate Bill No. 188 o panukala niyang Department Disaster Resilience Act na nag­lalayong magtatag ng isang ahensya na tututok sa pagpapatupad ng mabilis na hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa kalamidad at kaugnay na mga pangyayari.

Other News
  • Mga NBA players posibleng payagan ng magsuot ng mga ‘statement’ jerseys

    Posibleng payagan na ang ilang NBA players na magsuot ng mga uniporme na may nakakargang slogan na sumusuporta sa social justice o charities imbes ang kanilang mga pangalan kapag nagsimula na ang liga.   Nagsasagawa na ng pag-uusap sina Oklahoma City Thunder guard Chris Paul ang pangulo ng National Basketball Players Association at ang mga […]

  • Cong. Tiangco suportado ang panawagan ni PBBM na rebyuhin ang minimum wage

    NAGPAHAYAG ng suporta si Navotas Representative Toby M. Tiangco sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na rebyuhin ang minimum wage rates sa bawat rehiyon.     Sa kanyang talumpati sa Labor Day, iniutos ni Marcos sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na “initiate a timely review of the minimum wage rates in their respective […]

  • Malakanyang, labis na nalungkot sa nangyaring C-130 mishap sa Sulu

    LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang insidente ng pagbagsak ng C130 airplane ng Philippine Air Force nitong Linggo ng tanghali sa Patikul, Sulu.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapatuloy ang rescue operations at nakikiisa sa pagdarasal ang Malakanyang para sa ligtas na pag-recover sa mga pasahero.   “Let us wait for the […]