• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go, atras sa presidential bid sa Eleksyon 2022

INANUNSYO ni Senador Bong Go ang kanyang pag-atras na tumakbo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.

 

Ang desisyon ni Go na bawiin ang kanyang kandidatura ay matapos ang isang linggong pag-amin na nananatili siyang naghihintay ng  “sign from God”  kung itutuloy pa ba niya ang kanyang presidential bid o hindi na.

 

Sa isang panayam sa San Juan City, ipinaliwanag ni Go na hindi pabor ang kanyang pamilya na tumakbo siya sa pagka-pangulo.

 

Bukod pa sa ayaw niyang ilagay sa mahirap na sitwasyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aniya’y higit pa sa isang ama ang pagmamahal niya rito.

 

“Ayoko rin pong lalong maipit si Pangulong Duterte. Higit pa po sa tatay ang pagmamahal ko sa kanya,” ani Go.

 

Muling inulit naman ni Go ang kanyang kahandaan na maging “supreme sacrifice for the good of our country and for the sake of unity”.

 

“In the past few days, I realized that my heart and my mind are contradicting my actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso at isipan. Tao lang po ako, nasasaktan at napapagod din,” ayon kay Go.

 

“Sa ngayon po, ‘yun ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race,” dagdag na pahayag ni Go.

 

Kaya ang pakiusap naman ni Go sa mga presidential aspirants ay iprayoridad ang kapakanan ng bansa at interest ng mga mamamayang Filipino.

 

Matatandaang bago pa nahalal na senador si Go noong 2019, nagsilbi siya bilang Go special assistant ni Pangulong Duterte.

 

Samantala, sa Viber message, sinabi ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez na hindi maaaring tanggapin ng law department ng Comelec ang anumang paghahain noong araw ng Martes dahil holiday, dahil ipinagdiriwang ang 158th birth anniversary ni Gat. Andres Bonifacio.

 

Hindi na rin aniya masa-substitute si Go dahil ang kanyang kaso ay voluntary withdrawal.

 

Ang period ng substitution for candidates sa 2022 elections o boluntaryong iwi- withdraw ang kanilang kandidatura ay nagtapos na noong Nobyembre 15.

 

“To formalize any candidates’ withdrawal,they need to personally appear before the Comelec,” ayon kay Jimenez. (Daris Jose)

Other News
  • Pinilit na makapagtapos ng kolehiyo: AIKO, natupad na ang pangako sa kanyang mommy at stepdad

    ISANG masayang-masayang Aiko Melendez ang nakausap namin sa pamamagitan ng Facebook messaging nitong July 28, Biyernes.   excited na ibinalita sa amin ng actress/politician na ga-graduate na siya sa kolehiyo.   Nagtapos si Aiko sa Philippine Women’s University ng kursong Communication Arts Major in Journalism.   Tulad ng regular na estudyante ay nag-martsa ang aktres […]

  • Sikat na Tumbungan sa Tondo, dinala ni Yorme sa BGC

    SINO ang mag-aakala na puwede palang ilipat ang Tondo sa lugar na tirahan ng mga burgis, na may nagtatayugang gusaling pang-komersiyo at condominium gaya ng Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City?     Ang alam kasi ng marami, kapag nabanggit ang Tondo, lugar ito ng iba’t ibang klase ng tao, may mayaman, mahirap, edukado, […]

  • Ads February 16, 2024