• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go, hinikayat ang publiko na magpabakuna

HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na maging katulad ng mga NBA fans at magpabakuna laban sa COVID-19 kung gustong makalabas ng pamamahay.

 

“Magpabakuna po kayo kung gusto niyong makalabas ng pamamahay ninyo,” ayon kay Go sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

“Sa mga basketball fans, tingnan niyo po ‘yong NBA… sila po ay nakakapanood ng basketball, mga audience, may crowd na po eh. Tayo dito sa Pilipinas medyo huli pa tayo at nakikita niyo na mayroong pag-asa dahil ‘yong bakuna lang talaga,” ayon kay Go.

 

Tinawagan ng pansin ni Go ang publiko na magtiwala sa bakuna at huwag matakot na magpabakuna.

 

“Matakot ho kayo sa COVID-19. Ang bakuna po ang susi, solusyon natin dito sa problemang ito,” giit nito.

 

“As of June 14”, ang Pilipinas ay mayroong 1,879,694 fully vaccinated individuals laban sa COVID-19.

 

Ipinakikita ng data mula sa National COVID-19 Vaccine Operations Center na mahigit 6.9 million doses ang na-administer sa buong ansa.

 

Kabilang sa fully vaccinated individuals, 968,750 ay health workers, 479,034 ay senior citizens, 424,889 ay persons with comorbidities, at 7,021 ay essential workers.

 

Samantaa, may kabuuang 5,068,855 katao naman ang nakatanggap ng “at least one shot” ng COVID-19 vaccine.

 

Sa nasabing bilang, 1.4 million ay health workers, 1.7 million ay senior citizens, 1.7 million ay persons with comorbidities, at 152,964 ay essential workers. (Daris Jose)

Other News
  • Kakulangan ng security paper para sa Certificate of Registration ng mga sasakyan, nalutas na ng LTO

    NARESOLBA na ng Land Transportation Office (LTO) ang nagbabadyang kakulangan ng security paper na ginagamit sa pag-imprenta ng mga certificate of registration para sa mga sasakyan.     Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nagsimula na sila ng mga paghahanda matapos nilang mapansin ang kakulangan ng security paper noong Agosto […]

  • REGINE, nakikiusap na wag ikalat ang nag-leak na materials ng ‘Freedom’ concert

    NAKIKIUSAP si Regine Velasquez-Alcasid na wag ikalat ang nag-leak na materials para sa kanyang first digital concert na Freedom sa magaganap sa Valentine’s day.   Tweet ni Regine last January 22, “Hi guys pakiusap lang may nag leak na materials from the concert please pa delete naman.   “Please wag nyo na I repost.”   […]

  • KIM, inamin na mas kinatukan na ‘di nabigyan ng franchise ang ABS-CBN kesa sa multo

    MULA sa pagba-viral at nag-trending.     Naging kanta, serye at ngayon ay pelikula na ang post ni Kim Chiu dati na “Bawal Lumabas.”     At obvious naman na inspired sa Bawal Lumabas ang isa sa mga MMFF entries na Huwag Kang Lalabas ng Obra Cinema.     Horror trilogy film na bida si […]