• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go: SAP para sa 22.9 milyong Pinoys pabilisin

Nag-alala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalagayan ng mga pamilyang apektado ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions sa National Capital Region Plus areas dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

 

 

Kaya naman hiniling ni Go sa Department of Social Welfare and Development at mga apektadong local government units na pabilisin ang pamamahagi ng Supplemental Amelioration Program sa tinatayang 22.9 million low-income Filipinos.

 

 

“Higit kumulang 22.9 milyong mahihirap na katao na bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng NCR at mga probinsya ng Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna na naka-ECQ ngayon ang dapat ma-bigyan ng ayuda sa lalong madaling panahon,” igniit ni Go.

 

 

“Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda. Sa tulong ng mga LGUs, dapat maipamahagi ito sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon,” ayon sa senador.

 

 

Nasa P23 bilyon ang hinugot sa balanse ng Bureau of Treasury sa ilalim ng ‘Bayanihan to Recover as One Act’ kasunod ng apela ni Go na dagdagan ang ayuda sa mahihirap na pamilya na naapektuhan ng ECQ measures.

Other News
  • Administrasyong Marcos, inilunsad ang PH Multisectoral Nutrition Project

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng  Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) na may temang “Better Bodies and Minds.”     Sa naging talumpati sa nasabing event sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos  na committed ang kanyang administrasyon na mamuhunan sa  110-million strong population ng bansa, kinokonsiderang “main drivers” ng ekonomiya. […]

  • PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

    Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.     Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]

  • After ma-diagnose na may autism spectrum disorder: AUBREY, ilang projects ang tinanggihan dahil sa anak nila ni TROY na si ROCKET

    MAGBUBUKAS daw ng category para sa mga transgenders ang Mutya Ng Pilipinas pageant ayon sa president nito na si Ms. Cory Quirino.     Ayon kay Ms. Cory: “That has been my dream. I would like to open a category for them! We should also evolve with the times. Sumabay tayo sa agos ng pagbabago […]