Bong Go: Zero subsidy sa PhilHealth, anti-poor
- Published on December 16, 2024
- by @peoplesbalita
“HINDI katanggap-tanggap at makamahirap!”
Ganito ang naging pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go, isang crusader para sa mga reporma sa kalusugan, ukol sa niratipikahang Bicameral Committee Report sa 2025 General Appropriations Bill, partikular sa panukalang zero subsidy para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon.
Matapos pagtibayin ng Senado ang ulat ng bicam, binigyang-diin ni Go ang mga implikasyon ng hakbang na ito at idiniin ang masamang epekto nito sa mahihirap na Pilipino at sa layunin ng Universal Health Care (UHC) Law.
Ipinunto ni Go na bagama’t nasiwalat sa mga kamakailang pagdinig ng Senate health committee na ang PhilHealth ay may reserbang pondo na lampas sa P500 bilyon, hindi pa rin makatuwiran na alisan ng subsidiya ng gobyerno ang state health insurance program.
“Hindi ako sang-ayon na dapat nating ganap na tanggalin ang subsidy para sa PhilHealth. Ito ay hindi katanggap-tanggap at anti-poor,” idiniin ni Go.
Iginiit ng senador na mahalagang tiyakin ang suporta ng gobyerno para sa PhilHealth upang mapahusay ang mga benepisyo nito para sa mga Pilipino, partikular na sa mga mahihirap na pasyente.
Binigyang-diin ni Go na bagama’t dapat gamitin ng PhilHealth ang mga kasalukuyang pondo nito nang naaangkop, dapat ding panindigan ng mga mambabatas ang kanilang responsibilidad na idirekta ang mga pondo ng gobyerno patungo sa mga inisyatiba na may kaugnayan sa kalusugan upang matiyak na ang mga serbisyo sa healthcare ay hindi makokompromiso.
Alinsunod sa Universal Health Care Law, dapat maibaba nang husto ang pagbabayad ng pang-medikal ng bawat Pilipino ngunit malayong- malayo na ito sa hangarin nito dahil sa zero budget ng PhilHealth.
“Ang mga mahihirap na pasyente ang kawawa dito. Malaking tulong po sa indigent patients kung mapapaganda ang PhilHealth para mabawasan ang kanilang gastos o out-of-pocket expenses. Imbes na ibayad sa ospital, pwede na nila itong ipambili ng gamot, pagkain, at iba pang pangangailangan,” ayon pa kay Go.
-
British tennis star Emma Raducanu bigo sa 2nd round ng French Open
NATAPOS na ang kampanya sa French Open si US Open Champion Emma Raducanu. Ito ay matapos na talunin siya ni Aliaksandra Sasnovich ng Belarus 3-6, 6-1, 6-1 sa ikalawang round. Ito ang unang beses na paglalaro ng British 12th seed at ang pangalawang pagkatalo niya kay 47th ranked na si Sasnovich […]
-
Direk Darryl, may nilulutong bagong project: Role ni SHARON sa ‘The Mango Bride’, matindi at pam-Best Actress
SA aming naging tsikahan sa first mediacon ng ‘Martyr Or Murderer’ ng Viva Films na ipalalabas na bukas, March 1, mukhang nabuko namin si Direk Darryl Yap tungkol sa niluluto niyang movie project para kay Megastar Sharon Cuneta. Matatandaan na proud na proud talaga siya na pumayag si Mega na maidirek niya ito […]
-
Amendments sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA),” Cooperative Banking Act, aprubado
MATAPOS ang diskusyon ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ay inaprubahan nito ang karagdagang amendments sa revised House Bill 6398, o panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA).” Ang panukala ay una nang inaprubahan noong Martes ng komite kung saan magkakaroon ng independent fund na […]