• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Booster dose kontra COVID-19, pinag-aaralan na gawing requirement

PINAG-IISIPAN ng pamahalaan na isama ang booster dose bilang requirement para sa isang indibidwal para makonsidera bilang isang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang terminong “fully vaccinated” para sa mga nakakuha na ng kanilang primary vaccine series.

 

 

Dahil dito, pinag-usapan ng mga lokal na opisyal na idetermina kung ang booster dose ay maaaring idagdag bilang requirement para sa fully vaccinated individuals para hikayatin ang mas maraming tao na makakuha ng kanilang third dose o booster jabs.

 

 

“We are looking at the possibility of adding a booster dose, baka pwedeng fully vaccinated, updated na vaccination para mahikayat ‘yung mga tao. The studies are currently being discussed, ano pa ‘yung puwede nating gawin para ma-encourage ‘yung ang ating mamamayan magpa-booster,” ayon kay Cabotaje.

 

 

Noong nakaraang linggo, ipinanukala ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na ang terminong  “fully vaccinated” ay i-redefined para sakupin ang mga taong nakakuha na ng kanilang booster shot.

 

 

Ang panukalang ito ay pinalagan ng ilang eksperto, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi aniya tama na gawin ito, lalo pa’t ang institusyon gaya ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay hindi naman ni-redefine ang kanilang kahulugan sa “fully vaccinated.”

 

 

At nang tanungin si Cabotaje sa naging panukala ni Concepcion na lagyan ng expiry date ang validity ng vaccination cards at palitan ito ng booster cards sa oras na mapaso’ na, sinabi ni Cabotaje na, “That’s also a good strategy.”

 

 

Gayunman, binigyang diin ni Cabotaje na mayroon dapat na “detailed enforcement” ng vaccine cards upang makita kung gaano kahuli na ang pagbabakuna sa isang tao, o kung ang vaccine cards na kanilang ipini-presenta sa ilang establisimyento ay pag-aari talaga ng mga ito.

 

 

“Hindi naman lahat titignan, kahit mag-random ka lang para mataon ay makita mo ay incomplete ka. That could be another strategy,” ani Cabotaje.

 

 

Para naman kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, pabor siya sa naging panukala ni Concepcion upang hikayatin ang mas maraming tao na kumuha na ng kanilang booster shots laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Cabotaje na tanging 12 milyon ng target population ang nakatanggap ng kanilang booster shots, at kailangan ng gobyerno na pataasin ang booster drive nito dahil na rin sa paghina na rin ng immunity mula sa primary vaccine series makaraan ang maikling panahon. (Daris Jose)

Other News
  • Bucks balik uli sa porma, Hornets pinayuko

    HUMAKOT si Giannis Anteto­kounmpo ng 26 points at 16 rebounds para pamunuan ang nagdedepensang Bucks sa 130-106 pagsuwag sa Charlotte Hornets.     Naglista si Jrue Holiday ng 21 points at 8 assists  habang kumolekta si Bobby Portis ng 20 points at 10 rebounds para sa Milwaukee (38-25) na kasosyo ang Cleveland Cavaliers sa No. […]

  • Panawagan ni Parlade na revolutionary government, bahagi ng kanyang “freedom of speech and expression”- Andanar

    BAHAGI ng kanyang garantisadong “freedom of speech and expression” ang naging panawagan ni dating NTF-ELCAC Spokesperson Retired Lt. Gen. Antonio Parlade.     Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesperson at Presidential Communications Secretary Martin M. Andanar makaraang ihayag ni Parlade sa rally ngayong tanghali sa People Power monument na revolutionary government ang solusyon para […]

  • Tambalang Go-Duterte sa Eleksyon 2022, wala pa ring kasiguraduhan – Nograles

    WALA pa ring kasiguraduhan ang tambalang Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 national elections.   Sa isinagawang Pandesal Forum, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kapwa may “indefinite decision” sina Go at Pangulong Duterte sa naging panawagan sa kanila na tumakbo sa pagka-pangulo at bilang bise-presidente sa halalan […]