Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
HIHILINGIN ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga atleta. Umaasa si Fernandez na muling pamumunuan ni POC president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang pagbibigay ng booster shot sa mga miyembro ng Phl Team.
“All our athletes have been vaccinated already. So we’re hoping na ma-work out din ni Cong. Bambol na mabigyan din sila ng booster,” wika ni Fernandez sa POC katulong ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Kamakailan ay inihayag ng Vietnam ang kanilang gagamiting “no vaccine, no entry” policy para sa pagdaraos ng SEA Games sa Mayo 12-25.
“Ang requirement lang ng Hanoi is two jabs for eve-rybody to be able to get in. So we’re fine with that,” sabi pa ni Fernandez.
Hangad ng Team Philippines na makopo ang back-to-back overall championship matapos magkampeon noong 2019 edition.
Bukod sa nasabing vaccine requirement ay hihingan din ng Vietnam organizing committee ng negative RT-PCR test result ang bawat delegation member bago papasukin sa kanilang bansa at paya-gang makalahok sa SEA Games. Ang deadline ng entries by name ay sa Marso 12.
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 7) Story by Geraldine Monzon
NAGSIMULANG mangamba si Angela nang makitang tumataas ang tubig sa labas. Silang dalawa lang ni Bela sa bahay dahil nakauwi na sa sarili niyang bahay si Lola Corazon hatid ni Mang Delfin. Tinawagan niya si Bernard. “Hello, sweetheart, mas mabuti pa siguro kung umuwi ka na lang bago pa lumaki […]
-
Napag-usapan sa YT vlog ni Camille: ANTOINETTE, magiging proud at ‘di itatago kung totoong may anak
SA latest Youtube vlog ni Camille Prats kung saan guest si Antoinette Taus ay napag-usapan ang masasabing “urban legend” tungkol sa dating aktres, sa pagkakaroon umano nito noon ng lihim na anak. Kahit ilang taon nang hindi active sa show business, aminado si Antoinette na nakatatanggap pa rin siya ng mga tanong tungkol […]
-
Virtual chess, taekwondo first time sa NCAA
Sa kauna-unahang pagkakataon ay idaraos ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang chess at taekwondo sa pamamagitan ng virtual platform. Matapos ang opening sa Hunyo 13 ay sisimulan kinabuksan ang online chess at taekwondo (poomsae at speed kicking) competitions. Napuwersa ang NCAA na gawin ito dahil sa coronavrus disease (COVID-19) pandemic. […]