• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxing, horse racing pinayagan na ng IATF

Pinayagan nang makabalik sa paglalaro ang professional boxers at horse racing, maging ang mga lisensyadong individual sa industriya mula sa Games and Amusements Board (GAB), habang inaasahang darami pa ang sports  na posibleng payagan sa mga lugar na pinapatupad ang mas pinagaan na General Community Quarantine.

 

Ito ang ginawang paglilinaw ng GAB sa mga naunang pahayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan kinatigan nito ang naunang desisyon nina DILG Secretary Eduardo Ano at DOLE chief Silvestre Bello sa pagbibigay ng ‘go-signal’ sa boxing batay sa ipinapatupad na health protocol.

 

“Aprubado na rin po ang pagbiyahe ng ating mga boxer para makalaban sa abroad. Ipinaliwanag naman namin na tulad ng mga OFW (Overseas Filipino Worker) kabuhayan ang nakataya sa ating mga boxer sa paglaban sa ring lalo na sa abroad,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via zoom at live streaming ng Sports on Air sa YouTube at Facebook.

 

“For more than three months, talagang kawawa ang ating mga boksingero. No fight, No pay ang mga ‘yan. Pareho namang ite-test ang magkalabang boxers at papayagan lamang ang laban after lumabas ang resulta ng COVID-19 test,” ayon kay Mitra.

 

Sa panig ng horse racing, opisyal nang magbabalik ang industriya sa Hulyo 19 sa Manila Turf.

 

“Actually talagang sakripisyo ang industriya ng karera, patalo itong mangyayari sa Metro Turf dahil hindi pa rin pinapayagan ang mga OTB ( Off-Track Betting) na pinagmumulan nang pondo ng karera. Pero, atleast napayagan na tiyaga lang tayo,” pahayag ni Mitra.

 

Batay sa health protocol, ipinagbabawal ang Inter-Island boxing promotions at nililimitahan lamang sa 10 ang manonood sakaling ang lugar na pagdarausan ay nasa ilalim ng ECQ.

 

“I’m calling and pleading with our boxing promoters, matchmakers at organizers. Mga kaibigan natin silang lahat, huwag muna tayong dumayo. Pinayagan na tayo, stay put lang. Kung sa GenSan, mga taga-GenSan lang ang maglalaban, bawal ang mula sa Davao o anomang panig ng bansa,” sambit ni Mitra sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.

 

Nilinaw naman ni Mitra na nakabinbin na rin ang request ng Mixed Martial Arts, gayundin ng iba pang contact sports para sa kanilang pagbabalik.

 

“Nagpapasalamat tayo at unti-unti pinapayagan na tayong magbalik sa ‘new normal’. ‘Yung talagang rules before ay ‘No vaccine, No sports’, kaya bantayan natin ito at agad na i-report ‘yung mga abusado para naman hindi maapektuhan ang buong organisasyon,” sambit ni Mitra, patungkol sa sabong na tila nahihirapan sa planong makabalik bunsod ng serye ng mga iligal na tupada na nagaganap sa bansa.

 

“Actually, ‘yung walong gaffer (mananari) na kabilang sa 49 na nahuli sa illegal na tupada sa Batangas, recently, ay binawian na namin ng lisensya. Konting tiis po sa ating mga kaibigan sa sabong para naman hindi maapektuhan ang buong industriya.

 

Inaasahang mas maraming sports organization na rin ang mapapayagan dahil sa mas pinalawak na Joint Administrative Order (JAO) na isinumite ng GAB-PSAC at DOH sa IATF Technical Working Group.

 

“Yung MPBL, PVL at Superliga, SBP parang nagkukumpara bakit daw sila ay hindi isinama sa JAP. Tanging PBA at Football League lang. Ang tanong ko sa kanila, sanctioned ba kayo ng GAB? Nagsumite ba kayo ng request sa amin. Siyembre hindi namin kayo dedepensahan dahil hindi naman kayo under jurisdiction ng ahensya,” pahayag ni Mitra.

 

Nakatakda ang pagpupulong ngayon ng GAB sa IATF kasama ang iba’t ibang sports organization tulad ng MPBL, PVL, Superliga at collegiate league NCAA at UAAP.

Other News
  • Tiger Woods, umatras sa mga sasalihang torneyo matapos sumailalim uli sa back surgery

    Napilitan si golf superstar Tiger Woods na umurong muna sa mga lalahukan sana nitong torneyo makaraang sumailalim muli sa back surgery.     Una rito, inanunsyo ng kampo ni Woods na sumalang ito kamakailan sa isang microdiscectomy surgery para tanggalin ang pressurized disc fragment sa kanyang likod.     Kaya naman, hindi muna maglalaro si […]

  • PBBM, pinangalanan sina Vergeire at Robles bilang DOH OIC at PCSO GM

    PINANGALANAN na ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of Health (DOH) at hinirang naman si  dating Light Rail Transit Authority administrator Mel Robles bilang general manager ng  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).     Inanunsyo ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press […]

  • Ads April 13, 2024