Boxing icon Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19
- Published on June 29, 2020
- by @peoplesbalita
Nananatili ngayon sa isang ospital sa Panama ang boxing legend na si Roberto Duran matapos makumpirma na dinapuan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa Instagram post ng kanyang anak na si Robin, sinabi nitong minor symptoms lamang na katulad ng sipon ang naranasan ng kanyang ama.
Hindi naman daw inilagay sa ventilator o sa intensive care ang boxing champion, at sinabi raw ng mga doktor sa pamilya ni Duran na nananatiling nasa magandang kondisyon ang mga baga nito.
Dinala lamang daw sa ospital si Duran bilang preventive measure na parehong bunsod ng kanyang edad at dahil sa nakalipas nitong problema sa baga.
Matatandaang si Duran, na namayagpag sa lightweight division, ay isa sa mga ikinokonsiderang mga greatest boxer of all time.
Iniluklok si Duran sa International Boxing Hall of Fame noong 2007 matapos ang 33-taong professional career na nakapagtala ng 103-16 record na may 70 knockouts.
-
8 TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA LOOB NG HOTEL
WALONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 18-anyos na dalaga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa loob ng isang hotel sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Reselino Acaso, 50, Fredie Merin, 39, Cecilia […]
-
Angat Dam water level, lalo pang bumaba
BUMABA pa lalo ang water level ng Angat Dam. Ito ay sa likod ng ilang mga pag-ulan na naranasan sa bansa, dala ng ilang mga weather system. Ayon sa State Weather Bureau, nasa 193,72 meters na lang ang water level ng nasabing dam. Mas mababa ito ng 18 centimeters […]
-
Kontrata para sa pinakamalaking railway line sa bansa, pinirmahan na
PUMIRMA ang bansa ng mga kontrata para sa pagtatayo ng isang railway project sa Southern at Central Luzon na tinaguriang “pinakamalaking railway line.” Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ang 147-kilometers North-South Commuter Railway Project, na magkakaroon ng 35 istasyon at 3 depot, ay inaasahang magbabawas ng oras ng paglalakbay mula Calamba, Laguna […]