Boxing icon Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19
- Published on June 29, 2020
- by @peoplesbalita
Nananatili ngayon sa isang ospital sa Panama ang boxing legend na si Roberto Duran matapos makumpirma na dinapuan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa Instagram post ng kanyang anak na si Robin, sinabi nitong minor symptoms lamang na katulad ng sipon ang naranasan ng kanyang ama.
Hindi naman daw inilagay sa ventilator o sa intensive care ang boxing champion, at sinabi raw ng mga doktor sa pamilya ni Duran na nananatiling nasa magandang kondisyon ang mga baga nito.
Dinala lamang daw sa ospital si Duran bilang preventive measure na parehong bunsod ng kanyang edad at dahil sa nakalipas nitong problema sa baga.
Matatandaang si Duran, na namayagpag sa lightweight division, ay isa sa mga ikinokonsiderang mga greatest boxer of all time.
Iniluklok si Duran sa International Boxing Hall of Fame noong 2007 matapos ang 33-taong professional career na nakapagtala ng 103-16 record na may 70 knockouts.
-
Pelicans star Williamson napiling isa sa cover ng NBA 2K21
Napili bilang cover ng NBA 2K21 si New Orleans Pelicans star Zion Williamson. Ang nasabing anunsiyo ng ay isang araw matapos na unang napiling maging cover si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard. Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng NBA kung sino ang pangatlong player na magiging cover ng nasabing NBA […]
-
Maraño may kondisyon sa pagpagupit ng buhok
SABAY tayo! Ito ang ni Philippine SuperLiga (PSL) star Abigail ‘Aby’ Marano ng F2 Logistics Cargo Movers sa nobyong si Philippine Basketball Association (PBA) Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort Batang Pier. Kaugnay ito sa kontrahan nila sa pagpapaputol ng buhok ng 28-anyos, 5-9 ang taas at Ilongga middle hitter. […]
-
LTO nakatutok rin sa holiday traffic
PINAGHAHANDAAN na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, na may mahigpit silang ugnayan sa mga iba’t ibang ahensiya para maityak na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila. Ilan sa mga pinakatutukan nila […]