Brgy Poblacion, Pulilan, iniuwi ang dalawang pangunahing parangal sa Ika-20 Gawad Galing Barangay
- Published on November 20, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Wagi ang “Poblacion, Pagbangon, at Paghilom” ng Barangay Poblacion, Pulilan bilang isa sa limang parangal na Natatanging Gawaing Pambarangay, habang nanaig ang kanilang Kapitan Ryan P. Espiritu bilang Natatanging Punong Barangay sa ginanap na Ika-20 Gawad Galing Barangay sa Gitna ng Pandemya Awarding Ceremonies na ginanap online ngayong araw.
Kinilala rin sila bilang Hall of Fame awardee matapos magwagi ng Natatanging Gawaing Pambarangay nang tatlong sunud-sunod na taon simula 2018. Nag-uwi sila ng P100,000 perang papremyo at plake ng pagkilala, habang tumanggap si Kapitan Espiritu ng P30,000 perang gantimpala at plake ng pagkilala.
Kabilang sa apat pang nagwagi para sa Natatanging Gawaing Pambarangay na binigyan ng P100,000 perang insentibo at plake ng pagkilala bawat isa ang “Nagkakaisang Barangay! COVID-19 Kayang Labanan: Disiplina, Malasakit, at Bayanihan ang Nanguna” ng Tibig, Bulakan na binigyan rin ng Hall of Fame award; “Malasakit sa Pagbabago, Lambakin Panalo” ng Lambakin, Marilao; “Sa Panahon ng Pandemya, Walang Mahusay, Walang Magaling Basta Sama-sama nating Labanan ang COVID-19” ng Tigbe, Norzagaray; at “Plano, Aksyon, at Solusyon” ng Bunsuran 2nd, Pandi.
Sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity at National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Kalihim Carlito G. Galverz, Jr. na ang susi sa epektibong pagpapatupad ng pinakamahuhusay na gawain laban sa COVID-19 sa lalawigan ay nakasalalay sa mga kawani ng barangay at lokal na pamahalaan.
“Ako po ay nagagalak sa napakahusay na pagtugon ng ating kapwa Bulakenyo sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa gitna ng hamon na dulot ng pandemya na ito. Sa harap ng pagsubok na ating kinakaharap ay napatunayan ninyo ang inyong husay, tapang, at dedikasyon sa inyong sinumpaang tungkulin bilang mga lingkod bayan,” ani Kalihim Galvez.
Sa kanyang bahagi, binati at pinasalamatan ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng nanalo at sinabi na naging hindi malilimutan at makasaysayan ang pagbibigay ng parangal dahil sa isang taong pagpapaliban nito dahil sa krisis na dulot ng pandemya.
“Tayo pong lahat ay sinubok ng pandemyang tulad ng COVID-19 lalo na sa paglilingkod sa ating kapwa at bayan ngunit hindi po nahinto ang ating serbisyo at patuloy tayong nandyan. Mas nanaig ang tungkulin sapagkat tayo ay kinakailangang kumilos, kinakailangang gumanap sa responsibilidad, at kinakailangang mabilis ang pagresponde sa mga emerhensiya,” anang gobernador.
Samantala, nakuha ng Pinagkaisang Lakas ng Kababaihan ng Bunsuran I, Pandi ang Natatanging Volunteer Group kung saan nag-uwi sila ng P30,000 perang gantimpala at plake ng pagkilala; habang iniuwi ni Evangeline Bautista ng Panghulo, Obando ang Natatanging Kagawad ng Barangay at tumanggap ng P15,000 perang insentibo at plake ng pagkilala.
Kabilang sa iba pang nagsipagwagi sina Annalyn DC. Degoma ng Baka-bakahan, Pandi para sa Natatanging Ingat-Yaman ng Barangay, Joy Alelou S. Dela Peña ng Pandayan, Lungsod ng Meycauayan para sa Natatanging Kalihim ng Barangay, Edwin V. Lopez ng Lumangbayan, Plaridel para sa Natatanging Barangay Tanod, Jan Niño M. Tolentino ng Agnaya, Plaridel para sa Natatanging Barangay Training and Employment Coordinator, Manuel C. Garcia ng Parulan, Plaridel para sa Natatanging Barangay Health Worker, Rosemarie S. Lazaro ng Sapang, San Miguel para sa Natatanging Mother Leader, at Vilma M. Oronce ng San Miguel Calumpit para Natatanging Lingkod Lingap sa Nayon kung saan lahat sila ay tumanggap ng P10,000 perang gantimpala at plake ng pagkilala.
-
RAMPA Drag Club, bagong venue para sa LGBTQ+ community: Grupo nina ICE at RS, excited sa katuparang maiangat ang drag scene sa ‘Pinas
SA isang pasabog na media launch na ginanap sa Karma Lounge QC, inilunsad ang pinakabagong entertainment sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertainment scene ng LGBTQ+ community, ang RAMPA Drag Club. Bigatin at di matatawaran din angmga owners ng Club na ito na pinangunahan ng ay likha ng kilalang LGBT icon, aktor, […]
-
‘After 10 years: Lakers back in Western Conference finals’
Inabot din ng isang dekada bago nakabalik sa Western Conference finals ang Los Angeles Lakers matapos ilampaso sa Game 5 ang Houston Rockets, 119-96 sa ginanap na laro sa Walt Disney World Complex sa Florida. Mala-halimaw ang pagdomina ng Lakers superstar LeBron James sa laro kung saan ipinoste ang 29 puntos, 11 rebounds at […]
-
From ‘dad bod’ hot na naman sa six pack abs: PAULO, maraming napahanga sa laki ng transformation ng katawan
ANG galing ni Paulo Avelino dahil ang laki ng transformation ng katawan niya. Kitang-kita ang malaking kaibahan ng katawan niya noong ginagawa pa lang niya ang hit serye nila ni Kim Chiu, ang ‘Linlang.’ Walang hindi magsasabi na “beer bod” o “dad bod” ang buong ningning na nakita kay Paulo do’n. At makikita […]