• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KRIS, grateful na nagkabati at pinatawad siya ni NOYNOY bago ito pumanaw; DINGDONG, nag-post ng pasasalamat sa dating Pangulo

NAG-POST sa kanyang IG account ng pasasalamat si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa nakagugulat na pagpanaw ng dating Pangulo na si Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong Huwebes ng umaga, Hunyo 24.

 

 

Ayon kay Dingdong na naging malapit kay PNoy, “President Noy was a champion of youth development. He headed the Philippine Delegation in the monumental 2015 Paris Climate Change Conference, where we presented the Filipinos’ pledge and call for urgent global climate solution as part of the youth-led #NowPH movement. He also institutionalized November 25 of every year as the ‘National Day for Youth in Climate Action’.

 

“He selflessly dedicated his life to public service, and was a formidable beacon of uprightness and incorruptibility during his administration. But, I am truly grateful that I had the opportunity to know him beyond work. Because behind that seat of power was a simple man, who beams with humility, inspiration and hope for the country.

 

“I cannot thank him enough for the trust and confidence that he bestowed on me. And, I am truly honored to have served the Filipino Youth under his leadership.

 

“He will be in our prayers, and we will always be deeply thankful for his service to the nation and to this generation. We know that He has seen his good work and that he is already with Him, resting in heaven’s glory.”

 

Tinapos niya ang kanyang post sa pamamagitang ng hashtag na “#SalamatPnoy.”

 

 

***

 

 

SA naging pagharap ni Kris Aquino sa media noong Huwebes, ipinaalam niya na nagkabati na sila ng Kuya Noynoy niya noong Mayo.

 

 

Sabi ni Kris na ‘di naman itinago na nagkaroon sila ng hidaan ng dating Pangulo, “God blessed me, because we made our peace.”

 

 

“That is private. I would like to keep that for myself. But I am so grateful na binigay iyon sa akin.

 

 

Dagdag pa ng host/actress na naging emosyonal, “Nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako, and to the end, ang tinuring niya sa akin ay ako ang kaniyang bunso.

 

 

Pangako pa ni Kris sa yumaong kapatid.

 

 

“Ipinangako ko sa kaniya na gagawin ko ang lahat to just be even one percent of what he is as a man and as a Filipino,” sambit pa ng ina nina Joshua at Bimby.

 

 

Samantala, nagkaroon nga ng one day public viewing sa pinaglalagyan ng abo ni PNoy sa Church of the Gesu sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City, na pinilahan ng mga gustong makiramay at magbigay ng respeto.

 

 

At sa araw na ito, ihihimlay na ang abo ni Noynoy sa tabi ng libingan ng kanilang mga magulang na sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque sa Sabado.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Kalagayan ng mga Pinoy sa Myanmar, tututukan ng DOLE

    Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipino sa Myanmar na mag-ingat dahil sa idineklarang State of Emergency matapos ang nangyaring kudeta.     Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Myanmar ngunit may mga Filipino Community doon at sila ang tumitingin sa kalagayan […]

  • Alex, emosyonal na umaming nakunan sa panganay nila ni MIKEE; nasubok ang faith kay Lord at umasa sa miracle

    PAGKALIPAS i-post ng talent manager na si Manay Lolit Solis sa kanyang IG account na nakunan si Alex Gonzaga na naging dahilan para magalang siyang sinabihan ng asawa ng TV host/vlogger na si Mikee Morada na nasaktan sila sa anunsyong ito ni Manay.     Feeling ng talent manager na kaya hindi pa umaamin sina […]

  • Gilas maghahanda sa resbak ng SoKor

    Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagresbak ng South Korea sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers na nakatakdang magsi­mula sa Nobyembre.     Dalawang beses tinalo ng Pilipinas ang South Korea sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Clark, Pampanga.     Una ang 81-78 panalo ng Pinoy squad laban sa Koreans […]