• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Briones, ikinalugod ang posibilidad na pag-upo ni Sara Duterte bilang DepEd chief

WELCOME kay incumbent Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pangunahan ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang Department of Education (Deped).

 

 

Inanunsyo kasi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “eventual Cabinet post” ni Duterte sa ilalim ng kanyang “eventual administration.”

 

 

Kapwa nanguna sina Marcos at Duterte sa katatapos lamang na halalan sa bansa. Si Marcos, sa pagka-pangulo habang si Duterte naman ay bilang bise-presidente.

 

 

“I welcome the announcement by Presidential frontrunner Bongbong Marcos that incoming Vice President Sara Duterte will concurrently serve as Department of Education Secretary,” ayon sa Kalihim.

 

 

Tiniyak nito na siya at ang kanyang buong DepEd family ay handang makipagtulungan sa team ni Sara Duterte para sa maayos na transition ng DepEd leadership.

 

 

Aniya pa rin, iti-turn over nila ang Basic Education Plan 2030, unang pagkakataon kung saan ang outgoing administration ay maiiwan ang medium-term plan.

 

 

“We are confident that DepEd will be in able hands and anticipate a continuity,” ayon kay Briones.

 

 

Samantala, pumayag naman si vice presidential frontrunner Sara Duterte na pamunuan ang Department of Education (DepEd).

 

 

“I think I am already authorized to announce the first nominee that we will be giving to the Commission on Appointments when the time comes, should I be proclaimed. That is that our incoming vice president has agreed to take the brief of the Department of Education,” ayon kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. araw ng Miyerkules sa isang televised speech.

 

 

Ani Marcos, isa sa kanyang mga dahilan kung bakit itinalaga niya si Duterte bilang susunod na Education secretary ay dahil sa naging gampanin nito (Duterte) bilang ina na nagnanais na “make sure that her children are well-trained and well-educated.”

 

 

“That’s the best motivation that we can hope for. So that is the first announcement that I can make that has come out of this process,” ayon kay Marcos. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Sa bahay lang nag-celebrate ng wedding anniversary… MIKAEL at MEGAN, wala pang planong magka-baby at happy sa kanilang pets

    NAG-CELEBRATE ng kanilang 3rd wedding anniversary ang mag-asawang Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young.      Kinasal ang dalawa noong January 25, 2020.     Sa kanilang YouTube channel, nag-post sila ng isang nostalgic compilation video.     Sa Instagram ni Megan, binalikan niya ang 12-year relationship nila ni Mikael sa pamamagitan ng […]

  • Unang paglipad ni ‘Darna’, pinag-usapan at nag-trending: Costume ni JANE, nilait-lait dahil pansin na mas pinaghandaan ang suot ni IZA

    PAGKATAPOS na lumipad ni Jane de Leon bilang Darna last Friday na pinag-usapan dahil nag-trending ang eksena, inilabas na ang poster ng ‘Darna’ at cover ng Metro online magazine.   May mga pumuri naman pero may nanglalait pa rin, na parang hindi pa rin maka-move on at heto nga’t nilunok ni Narda ang bato at […]

  • Ilang kolehiyo sa bansa, posibleng magsara

    MALAKI ang posibilidad na may ilang kolehiyo sa bansa ang magsara bunsod ng kakulangan sa mga enrollees. Ito ang sinabi ni CHED Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Hulyo 15. Ani De Vera, natatakot kasi ang mga magulang para sa kaligtasan […]